PAMILYAR KA
Nang mapasulyap - mundo'y tila napatigil na lang bigla
Nagdalawang isip pa kung panaginip lang ba
Ang kislap ng 'yong mga mata'y nakakaintriga
Saan ko nga ba iyan nakita?
Ang ngiti sa 'yong mga labi'y tila markang minsa'y nalitratuhan ko na
Ang bawat kilos mong nagpapahiwatig na ika'y malaya
Ang kalmadong boses mo sa tuwing nagsasalita
Parang kilala kita – pamilyar ka
Dala ng kuryisidad ay sinundan kita
Doon ko napagtanto kung sino ka
Kahapon lang ay lugmok at takot sa madla
Ngayo'y tila natagpuan ang matagal nang nawawala
Natapos na ang ulan at ang bahaghari'y nasilayan na
Hinawi ang ulap at ang araw ay masaya
Muli ko siyang natagpuan sa panibagong pahina
Akala ko hindi na muling masisilayan pa
Ang kamay na sumasalo sa akin sa tuwing ako'y madadapa
Ang musikang humihele sa akin sa tuwing ayaw patulugin ng pag-aalala
Ang yumayakap at palaging nandiyan sa tuwing pakiramdam ko ako'y mag-isa
Kaya pala – pamilyar ka
BINABASA MO ANG
𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
PoesíaThoughts that form poetry. A collection of my soul's wonderings. Free to DM me for dedications.
