SA SARILI NAGSISIMULA
May mga bagay na hindi agad nakukuha
Hindi dahil gusto mo- sayo na
Hindi ka magiging bilyonaryo kung buong araw nakahiga ka
Hindi magiging kayo kung iaasa mo sa tadhana
Kumilos ka't abutin ang mga talaNawawalan ka ng pag asa sa tuwing nabibigo ka
Nagagalit sa tuwing di natutupad mga planong ginawa
Hindi malalanta ang bulalaklak kung inalagaan mo sya
Hindi dahil dumilim ang langit hindi na mag uumaga
Kabiguan gawin mong lakas para lumaban paTakot magsalita at baka mahusgahan ka
Nangangambang hindi matanggap ng madla
Imulat ang mata maging matatag ka
Kusang lalapit sayo mga taong pinapahalagahan ka
Hindi ka nag iisa laging nakaagapay SYATratuhing pareho ang panalo at kabiguan
H'wag patalo sa kalungkutan
Kung mahal mo h'wag sukuan
Ipaglaban kung kinakailangan
Pakawalan kung sakit na ang nakakamtanLaging isaisip na sa sarili nagsisimula
Pagmamahal, kapatawaran at tuwa
Maging mabuting halimbawa sa kapwa
Lakasan ang loob maging matapang ka!
Ipakitang walang pagsubok ang sayo'y magpapatumba
BINABASA MO ANG
𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
PoetryThoughts that form poetry. A collection of my soul's wonderings. Free to DM me for dedications.