(A/N: Just saw my old notebook where I used to write my poems before. This one made me laugh, IDK ( ╹▽╹ ). Hope you like it.
Written back in 2018)
MARIA
Ikaw
Oo, ikaw na lalaking nakapula
Kumusta?
Ako ito si Maria
Ako ba'y naaalala mo pa?
Ako si Maria Tanga
Ang babaeng iniibig ka mula no'ng tayo'y mga bata pa
Dati'y marupok
Oo, sobra
Inakala kong motibo— na ikaw saki'y may gusto
Ngunit kitang kita ng dalawang mga mata ko
Hindi lang pala ako ang pinapatawa at niyayakap mo
Asang asa pa naman ako
Friendly ka lang pala talaga, Ginoo
Sa bawat tula
At mga kabanatang aking kinakatha
Ikaw ang aking paboritong paksa
Sa bawat liriko na aking inaawit
Nilalaan sayo bawat saglit
Mahal na yata kita
Nasabi ko sa sarili
Sa tuwing nariyan ka
Pagpintig ng puso'y di mawari
Ngunit ang katotohana'y wala ka namang pake
O Ginoong paasa
Alam mo ba?
Natuto na ako at namulat na
Ang kilala mong Maria Tanga
Sa wakas ay nakamove on na
Kaya muli akong magpapakilala
Ako si Maria
Maria Dina Tanga
Maria D. maf-fall basta basta
Maria Dina ikaw ang pangarap na makasama sa pagtanda
BINABASA MO ANG
𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
PoetryThoughts that form poetry. A collection of my soul's wonderings. Free to DM me for dedications.
