TAGAPAGLIGTAS
Akala ko ganun ka
Yung kilala kung masayahin at palatawa
Kung titignan ka halos wala kang problema
Ngunit ng silipin ko ang iyong mga
mata
Doon ko napagtanto na ako'y mali pala
Hindi ka masaya
Pakiramdam mo mag isa ka
Oo tumatawa ka
Ngunit sa loob mo nasasaktan ka na
Kung sana lang alam ko na dati pa
Hindi nga kita ganon kakilala
Ang tunay na ikaw ay nakatago pala
Sa likod ng aninong masaya
Aninong tumatakip sa ikaw
Na ayaw mong makita ng iba
Magaling kang magtago
Ngunit magaling akong tumuklas
Kaya siguro tayo ipinagtagpo
At lungkot mo'y magwakas
Heto ako iyong magiging tagapagligtas
BINABASA MO ANG
𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
PoesiaThoughts that form poetry. A collection of my soul's wonderings. Free to DM me for dedications.
