TAMA NA

328 8 4
                                    

TAMA NA

Ang mahalin ka ay disesyon ko
Ang masaktan ako ay pinili ko
Tila naging manhid ako
Sa katotohanang hindi ako ang nandyan sa puso mo

Pilit akong lumalapit at ika'y lumalayo
Minamahal kita ng buong puso
Ngunit sayo ako'y bigo
May iba ka nga palang sinusuyo

Tulad ng buwan kapares ay mga bituin
Malabong ika'y ma pa sakin
Puso mo'y nakakandado
At may isang taong hinihintay mong magbukas nito

Tulad nitong puso ko
Ang susi'y na sa iyo
Ngunit ang puso mo
Inialay mo sa ibang tao

Pilit man kitang angkinin
Ang mapansin mo'y inaasahan din
Tila nag aantay kung kailan tatamis ang asin
Ang labo pa man din

Sa bawat yapak papalapit sayo
Milyong palaso ang tumatama sa puso ko
Tila manhid na sa dulot na sakit
Kung ang makasama ka lang ang siyang kapalit

Ngunit lahat nama'y may hangganan
Tao din ako napapagod at nahihirapan
Kung tutuusin bakit ba kita inaangkin?
Hindi ka para sakin kaya hindi kita dapat pilitin

Tama na ang pagpapakatanga
Ang umasa kahit lantarang nakikita na malabo nga
Tama na ang pilit na paglapit
Kung kusang tadhana na ang naglalayo ng pilit

Ang puso ko'y pinapakawalan ka na
Mga luha'y papawiin na
Magiging masaya nalang sa inyong dalawa
Sarili'y uunahin na muna

Pipilitin maging masaya
Mamahalin ang sarili ng sobra sobra
Titigil na tama na
Puso'y iingatan na

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon