Taong dalawang libo dalawampu't dalawa
Panahon nanaman ng madla upang magpasya
Pipili ng lider na sa bansa'y mangangasiwa
Sa mga mamamaya'y mayro'ng pagkalingaDumating na ang oras na pinakahihintay
Resulta ng botoha'y nasaksihang tunay
Karamiha'y natuwa sa naluklok sa unang hanay
Ang iba'y nabalisa't napuno ng lumbayBayang Pilipinas, O dakila ka sa lahat
Mamamayan mong Pilipino'y nahati sapagkat-
Hindi magkapareho, hindi kumbinsido
Ang hinahangad na pag kakaisa'y nauwi sa guloNamayani ang salitang 'RESPETO'
Ngunit bakit tinutudyo
Mga taong taliwas sa sinusuportahang partido
Hindi ba't ang dapat ay mahalin ang bansa at kapwa Pilipino?Ang resulta ng botohan ay bunga ng pinaniniwalaan
Ang mamayan ay binigyan ng kani-kaniyang karapatan
Isaisip na ang inihalal na kandidato'y aangat sa mamamayan
Naglalayong magkaisa ang sambayananHindi magkaibang kulay ang sisira sa pagkakaibigan
Hindi kapwa Pilipino ang tunay na magkalaban
Ang resulta ng eleksyo'y hindi magiging batayan
H'wag mangamba dahil may Dyos na hindi tayo pababayaan

BINABASA MO ANG
𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
PoetryThoughts that form poetry. A collection of my soul's wonderings. Free to DM me for dedications.