A, ba, ka, da
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Heto nanaman ako bumabalik sa umpisa
Akala ko nakalimutan na kita
A– Ang sarap balikan ng mga alaala
Ba- Baka sakaling maisip mo rin ako habang iniisip kita
Ka- Kailan pa ako naging martir ng sobra?
Da- Dati pa no'ng una kitang makilala
Isa- sa puso ko ikaw pa rin nag iisa
Dalawa- dalawang beses akong nagsayang ng luha
Tatlo- I love you, tatlong salita 'yon hindi ba?
Apat- apat na taong sayo ako'y may lihim na pagsinta
Lima- limang taon na kayo ng girlfriend mong sobrang ganda
Magiging tapat na ako, h'wag kang magugulat ha
Naalala lang kita dahil may nakasalubong ako kamukha ka niya
Hindi ko malaman pero ako'y natatawa
Habang sinusulat itong bawat salita
Muli nanaman pala akong nagsusulat ng tula
Akalain mong ikaw nanaman ang aking paksa
Napapangiti ako hindi dahil kinikilig ako ewan ko ba
Hindi lang ako makapaniwala sa naging resulta
Hindi dahil naalala kita
Ikaw pa rin ang sinisinta
Hindi dahil sinulatan kita ng tula
Gusto pa rin kita
Hindi na muling maghahabol
Sa lalaki ako pa ba'y papatol?
Alam mo bang puso ko'y biglang tinambol?
Sa kapwa ko babae lang pala ako maf-fall
BINABASA MO ANG
𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
PoetryThoughts that form poetry. A collection of my soul's wonderings. Free to DM me for dedications.
