INVISIBLE GIRL
Hindi ako superhero pero may kapangyarihan ako
Kapangyarihan na maglaho
Maglaho sa paningin ng lahat ng tao
Kapangyarihang hindi gugustuhin ng kahit sino
Parang hangin na hindi napapansin at alintana
May mga kaibigan pero hindi nila sya nakikita
Kahit sariling pamilya nakakalimutan na sya
Ang hirap palang tumayo sa harap ng mga taong sarado sa aking presensya
Wala nang ibang ginawa kundi ang tumahimik nalang
Umupo sa isang tabi't luha'y sinasayang
Malalalim na paghinga ang aliw sa magulong isip na naging parang
Kailan pa ako naglaho, kailan lang?
Natutong kausapin ang sarili
Sa lahat tulayan nang nagkubli
Noon sa tuwing nilalampasan lang ay hindi mapakali
Ngayo'y naging matatag at natutong ngumiti
Hindi ako superhero pero kapangyarihan ko ang maglaho
Sa harap ng hindi mabilang na estranghero
Madalas kapag napapalibutan ng mga kaibigan ko
Kadalasan sa tahanan kung nasaan ang pamilya ko
Hindi ako sikat
Kakayahan at talento'y tila hindi rin sapat
Hindi ko nais ang mapansin ng lahat
Sa pagmamahal ng pamilya'y h'wag lang sanang maging salat
Siguro nga'y kailangan mayroon tayong mapatunayan
At nang sa gayon mga tao'y mapalingon ng tuluyan
Tinawag kong invisible girl ang aking sarili
Mananatiling nakangiti, nakikita nyo man o hindi
BINABASA MO ANG
𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
PoetryThoughts that form poetry. A collection of my soul's wonderings. Free to DM me for dedications.
