MASKARA

529 18 0
                                    

MASKARA

Sa harap ng salamin
Nakangiting labi ang agaw pansin
Mga matang namumugto
Luhang di mapigilan sa pagtulo
Nakangiti man ngunit bigo

Masayahin ka't walang problema
Iyan ang akala nila
Di nila alintana
Na sa likod ng mga ngiti at tawa
Nakatago ang lungkot at sakit na nadarama

'Wala'
'Okay lang ako'
'Di naman masakit'
Mga kasinungalingang sinasambit
Ng paulit-ulit

Maskara
Yun ang nakikita nila
Ngiti ang naging basehan na masaya ka
'Di ba nila napapansin
Ang nangungusap mong mga mata?

Tila naghahanap ng kakampi
Sa mundong pinaniniwalaan
ang pagkukunwari
Nawa'y makatagpo
Ng taong sa maskara'y hahawi

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon