DEPRESSION
Mahirap ikubli
Ang sakit at pighati
Ano, paano, ano ang gagawin ko?
Isip ay gumugulo
Naiisip ay puro negatiboBakit ganito ang mundo
Pakiramdam ko mag isa ako
Mas nais manatili sa madilim na sulok
Kesa makihalubilo sa mga tao
Mga taong tila walang pake sa nararamdaman moWala ng naiisip na ibang solusyon
Ang wakasan ang buhay'
Tila magandang desisyon
Matatapos na ang sakit
Lalaya na ang sariling nakapiitNgunit iisa lang ba ang solusyon?
Sa nararanasang depresyon?
Tao'y di mabubuhay ng mag isa
Walang kasiguraduhan ang manalo
Kung lalaban ng walang kasamaMagpakatatag ka't labanan ang pwersa
Sirain ang rehas na humaharang
Sa liwanag na dapat tinatamasa
H'wag magpapatinag,lumaban ka
Depresyon ay malalampasan, maniwala ka
![](https://img.wattpad.com/cover/200000024-288-k678006.jpg)
BINABASA MO ANG
𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
PoetryThoughts that form poetry. A collection of my soul's wonderings. Free to DM me for dedications.