DATI

18 1 0
                                    

DATI

TOTOO ANG MGA NGITI AT TAWA
MALAYA ANG ISIPAN AT WALANG INAALALA
HINDI ALINTANA ANG MAGULONG MUNDO'T HINDI NAGKUKUBLI SA MASKARA
KALIGAYAN NG KAMUSMUSA'Y DI MATUTUMBASAN NG PERA

MINSAN BA'Y NAISIP MONG BUMALIK SA NAKARAA'T MULING MAGING BATA?
GUMISING SA UMAGA'T MAGLARO WALANG RESPONSIBILIDAD NA INAALALA
NAMIMISS MO BANG MAPAGSABIHAN NG IYONG AMA'T INA?
IIYAK DAHIL NAPALO KA'T DI DAHIL PUSO MO'Y WASAK NA?


KABATAA'Y LUBOS NA NAPAKASAYA
MAPALAD KA'T NARANASAN MO ANG MAGTAMPISAW SA ULAN AT MAGLARO NG SARANGGOLA
MAKAKATULOG SA SALA'T PAGISING NASA SILID NA


NAALALA MO NOONG PINALO KA NG IYONG INA?
UMIYAK KA DAHIL MASAKIT
KASING SAKIT BA NG PANLOLOKO SAYO NG IYONG SINISINTA?
DATI SA TIPIKAL NA TAGUAN SOBRANG GALING MO PA
NAGULAT KA BANG SA TAGUAN NG NARARAMDAMAN MAS MAHUSAY KA PALA?


DATI SA DILIM SOBRANG TAKOT KA
SA MULTO, ENGKANTO O ASWANG PA
NGAYONG MALAKI KA NA NAREALIZE MONG MAS TAKOT KA PALA—TAKOT KANG MAWALA SYA
ANG DAMING MASASAYANG ALAALA DATI
MGA ALAALANG SA HABANG PANAHON AY MANANATILI

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon