"You should be home not later than 10 pm"
"Remember to drink your vitamins baby, okay?"
"Don't forget to sleep early and do eat on time"
'Yan.
'Yan ang bilin ng mom ko sa'kin. Tango lang ako ng tango pero alam ko namang di ko rin naman masusunod 'yon palagi hehe!
Tulin ang lakad ko palabas ng bahay habang sumusunod sa kanila.
Bitbit ko ang malaking maleta habang palabas ng bahay. Di naman ito mabigat, sadyang malaki lang talaga ang lalagyan.
Deritso ako ng lakad at sumusunod lang sa magulang ko. May mga dala rin silang maleta at si dad ay may mga backpack pang bitbit.
Magbabakasyon kasi sila sa states. Plano ito ni dad para daw di lang mag mokmok si mom sa loob ng kwarto. Nito kasing mga nakaraang araw ay nagsimulang mag mokmok na naman si mom kaya naisipan ni dad na ipasyal ulit.
Btw, my parents are both guy. It's nice isn't?. They're lgbt couple. And the miracle thing happened to them is that... The other one is able to get pregnant.
"Mom" ang tawag ko sa nagluwal sa'kin, at "daddy/dad" naman ang tawag ko sa ama ko. Di kapani-paniwala diba? Kasi nga lalaki pero nabubuntis. Pinatingin na raw 'yon ng kaibigang doctor ni dad, pero it's a rare case lang daw talaga ang kondisyon ni mom. One in a million.
Pero kahit na ganito ay kaming magkakapamilya lang din ang nakakaalam nito. Masyado kasing delikado kapag malaman pa ng publiko ang ganito.
Deritso pa rin ang lakad ko patungong kotse na sasakyan nila. Patuloy pa rin sa pagbibigay ng payo si mom sa'kin na dapat ko raw sundin kapag wala sila sa tabi ko para e check ako. Tulad ng kanina ay sumagot lang din ako ng "Oo" at "opo" sa lahat ng binilin niya.
"Ito na ba lahat ma?" Tanong ko ng malagay ko iyon sa likod ng kotse ang dala kong maleta.
"Yes baby boy. Thank you"
Napakamot nalang ako sa ulo ko ng marinig ko iyon galing kay mom.
Haissttttt! Bini-baby pa rin ako ni mom kahit na 25 years old na ako.
Well, nothing change, kahit nga graduate na ko sa college at nagtratrabaho na ay ganito pa rin ang pakikitungo at tawag niya sa'kin.
Ghaaddd! Lalaking-lalaki na ang anak niya, at ang laki-laki ko na!
Kulang nalang magdala ako ng jowa dito sa bahay para malaman niyang malaki na ako at kaya ko ng manligaw. At para na rin na di niya ako tawaging "baby boy" ehh!
"Are you sure na di ka sasama Austin?" Paniniguro ni mom sa'kin.
"Wag kang masyadong mag-alala sa anak mo, pumpkin. Malaki na 'yan" ani ni dad.
Oh diba? Kaya vibes na vibes ko si dad eh.
'Tsaka ang cute ng tawag niya kay mom. "Pumpkin" talaga. Kung "talong" nalang kaya? HAHA! Pero sabi nga nila, mind your own business nalang daw. Kahit na medyo may edad na silang dalawa, pero minsan nakakainggit na silang tignan. Kita ko pa rin ang effort ni dad para kay mom. Para mapasaya lang sya.
BINABASA MO ANG
Twins Series 1: Twisted Life ✔️
Romance[Twins series #1] STATUS: COMPLETED Description: What would you do when there's a tall and handsome, but full of dark aura suddenly approach you out of nowhere? He tried to own you, afraid to lose you again, and asked things that you're not even awa...