Chapter 1

3.7K 96 39
                                    

Austin POV~

Halos magdadalawang oras na akong nagba-biyahe. Medyo malayo-layo kasi ang bahay namin sa pupuntahan ko.

Inayos ko muna kunti ang kwelyo ko at pasimpleng tumingin sa front mirror ng sasakyan.

Kompirmado nga... Na gwapo ako bwahaha!

Di sa pagmamayabang, pero sa mukha kong 'to, sinong babae ang di mauulol pag pinormahan ko mamaya. Baka pagkaguluhan pa ako ng mga chiks kung sino ang pipiliin kong maisayaw.

Pasimple akong ngumiti dahil sa mga lumalaro sa isipan ko. Pinukos ko nalang ang paningin ko sa daan at baka may mangyari pa na kong ano sa kahanginan ko.

Di mabagal, di mabilis, Eksaktong takbo lang ang kotse ko.

Kahit na medyo kinapos na ako sa oras gaya ng pinag-usapan namin, pero mas inuna ko pa rin ang kaligtasan ko. 'Tsaka kapag sinubukan kong magpabilis ng takbo, naiisip ko lang si mom. Palagi niya kasing bilin sa'kin na wag akong magpabilis ng takbo kapag nagmamaneho lalo pa't di raw dalawa ang buhay ko.

Oo, kung tayo ang makikinig sa magulang natin, masasabi natin na medyo over protective lang sila. But I know din naman na its for the safety of me.

At naiintindihan ko sila na halos ipakuha na nga ni mom ang kotse ko at magpapahatid sundo nalang kay kuya Jordan, sa tauhan ni dad. Naiintindihan ko ang pag-aalala nila... Lalo pa't ito rin ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko...

I shaked my head as my heart hurts again when I remember my twin brother.

Wala na akong kukulitin...

Wala na akong kasabay umalis ng bahay...

Haisssttttt!

Nilingo-lingo ko ulit ang ulo ko at mas tinuon ang sarili sa pagmamaneho.

Agad kong tinignan sa GPS kung malapit na ba ako sa napag-usapan naming lugar.

Bagong restobar kasi kaya di ko pa napuntahan at di ko pa alam kung saan.

Basta sinusunod ko lang ang binigay na address ng mga kabarkada ko.

Halos mga labing limang minuto ng naghanap ako ng parking slot. Mukang ito na kasi yata ang tinutukoy nilang place.

I grab my phone, wallet, ang keys matapos kong mag park ng kotse. Agad na rin akong lumabas at tumawag sa gc naming magkabarkada.

Di palang mag isang minuto ng sumagot si Dennis sa V-call ko sa gc namin. Sa paglabas ng appearance nila ay magkakasama na pala ang tatlo.

"Jusko ka bhieeeee" halos sigaw na ni Dennis sa v-call. Agad akong napalingon sa may di kalayuan ng parang sa kaibigan ko din namang boses 'yon.

So ayon nga, nasa may di kalayuan lang din pala sila sa pinarkingan kong kotse. Di yata nila napansin ang kotse ko. I mean bagong bili pala ang kotse kaya di pa nila nakita dati.

I end up the call and went on where they stand.

Pakaway-kaway pa ako sa kanila ng mapansin nila akong naglalakad papalapit sa kanilang kinaruruonan.

Twins Series 1: Twisted Life ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon