"Von tama na 'yan" pagpipigil ko sa kanya pero winawakli niya lang ang kamay ko upang di ko maagaw sa kanya ang baso. Nakalaklak na sya ng ilang botelya ng alak ngayon. Kahit anong pigil ko sa kanya ay parang wala lang syang naririnig at umaastang wala ako rito sa harapan nya.Tumayo na naman sya at di pa nakuntento sa mahigit isang kahon na parang tubig nya lang ininom. Nagpapanik na 'ko kung pa'no ko sya papaamuhin. Ni kung umasta sya ay di niya 'ko kilala.
Sobrang dami nya ngang stack ng alak ngayon sa ref nya di tulad nong una niya 'kong dinala dito. At baka di talaga sya titigil hanggat di nya 'yon nauubos jusko!
Ewan ko kung ano na ang nangyayari kay Von. Kung tignan nya nga 'ko ngayon ay ibang-iba sa tingin nya sa'kin nong mga nakaraang araw. Para syang galit na galit pero di nya mabuhos sa'kin na baka masaktan nya 'ko.
Well, magsimula kasi syang ganito mula kanina pa. Nasuntok ko kasi sya nong sinubukan nya 'kong halikan don sa may bar. E nabigla lang naman ako non. I didn't expect when he said about the punishment in every lie I said ay mapupusok pala na halik.
I mean... I punch him not because I didn't like him to kiss me... Tulad nga ng sabi ko ay nabigla lang ako at saka lang nagproseso sa utak ko ng tapos ko na itong gawin sa kanya.
Umalis pa sya agad non kaya todo habol ako. Paulit-ulit kong sinabi ang salitang 'sorry' pero di na nya 'ko pinansin non. Sobrang ironic nga diba dahil wala akong paki nong nakipaghalikan ako sa totally stranger kanina pero nong kay Von na ay suntok pa ang inabot nya.
Ang bilis nyang kumilos at iniwan ako mag-isa sa labas ng bar. I takes a moment bago pa pumasok lahat sa utak ko ang mga nagawa ko. Di agad ako mapakali non. Kinuha ko kaagad kay Keith 'yong susi non at nagmaneho patungo sa condo nya. Sinabihan ko nalang si Keith non na babalikan lang sila pero ewan ko kung magagawa ko pa.
Ang bilis kong magmaneho non sa daan kahit sobrang lalim na ng gabi. Baka kasi maabotan ko pa ang kotse nya. I even drive it full speed just to follow Von pero di ko na nakita sa daan ang kotse nya. Mukang mabilis rin itong nagmaneho.
Habang nasa kotse ako ay ngayon ko lang naisip na sana di ko nalang ginawa 'yon. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon. Una nagsinungaling pa 'ko na may importanteng lalakarin pero sa bar naman talaga ang punta ko. At nakikisayaw pa ako sa ibang lalaki. Saka di lang basta sayaw dahil nakipaghalikan pa 'ko don at sigurado akong nakita nya. Sigurado akong kitang-kita nya 'yon dahil ng pagkadistansya ng aming mga labi don sa stranger guy ay hinila kaagad nya 'ko.
And I'm thinking of what he felt when he saw me kissing another guy. Eh diba mahigit isang buwan palang nong nagkabati kami ng sa pag-aakalang ako si Aiden. 1 month and days palang pero eto na agad nasaksihan nya.
Mahigit isang oras na nasa daan akong nagmamaneho at malapit na 'ko. Nawala nga ang kalasingan ko at para akong suspect na nahuli sa akto.
Deritso ako sa condo nya na nagbabakasakali na nandon sya. Dali-dali pa agad akong umakyat non at sana nandito lang sya. Kinakabahan pa 'ko ng
sinubukan kong kumatok pero walang nagbukas.At total alam ko naman password ng condo nya kaya pumasok na lamang ako. He already told me noon na pwedeng-pwede ako pumasok sa condo nya kung kailan ko gusto. Medyo makapal man ang mukha ko para pumasok pa sa condo nya matapos ng makita nya pero sinubukan ko pa rin.
I don't know but there's something inside of me to keep pushing myself to find Von or else... Or else I'm not gonna see him again.
Alam kong overthink ko lang 'yon pero pa'no kung mangyari? Pa'no kung bigla nalang syang maglaho nyan pagkatapos ng ginawa ko? Nakailang tawag na rin kasi ako sa phone mula kanina pa nong nasa kotse ako pero di nya sinasagot.
BINABASA MO ANG
Twins Series 1: Twisted Life ✔️
Romantizm[Twins series #1] STATUS: COMPLETED Description: What would you do when there's a tall and handsome, but full of dark aura suddenly approach you out of nowhere? He tried to own you, afraid to lose you again, and asked things that you're not even awa...