Chapter 28

1K 44 31
                                    

"I have something to ask you, Ali" Tanong nya at pag-aagaw atensyon.

"What?" Mabilisang sagot ko rin na nakayakap lang sa unan ko at di pa tumitingin sa kanya.

"Tell me the truth" saad ni Von kaya napatigil kaagad ako at dahan-dahang humarap sa kanya.

"Bakit ka umalis nong gabing 'yon?" Sa unang bungad nya palang sa'kin ay di ko na masagot-sagot. Dumuko lang ako at di alam ang irarason kay Von ngayon.

" 'Tsaka di naman don ang papuntang bahay niyo diba?" Pangkokorner nya pa sa'kin para mapaamin talaga ako.

"How did you know?" Pag-iiba ko. I want to know kung pa'no nya nalaman na don ang daan ko ng kotse. Kasi imposible namang bigla nalang kaming nagkasalubong ng kotse non diba?

"I put some tracking in your car" pag-aamin nya bilang pag-aagaw atensyon nya naman.

"Without my consent?" I confronted him.

"Sorry" tanging tugon nya lang.

"Pero bakit nga? May lakad ka ba non?"

Lumingo-lingo ako sa pagtatanong nya. Di ko alam kung sasabihin ko ba na ginugulo ako ng stepbrother nya o hahayaan nalang ang insidenteng iyon.

Di ako umimik. Di ako sumagot sa mga tanong nyang di ko naman alam ang irarason.

Haisstt!

Heto na naman ako sa pagsesekreto ko sa kanya. I'm too confused with my own self too.

Gustong-gusto ko na rin magsumbong pero di ko nga alam kung pa'no sisimulan sa kanya. And I know Von will have so many questions. And I'm still not ready for it.

Sinabi ko nalang na may inihatid lang ako patungo sa bahay ni Dennis nong gabing 'yon. Wala na rin naman syang maraming tanong pagkatapos non pero halata sa mga titig nya na parang napapansin na may iniisip na iba.

Nagpaalam na lang din sya pagkatapos at bibili pa sya ng makakain namin.

Naiwan ako rito mag-isa rito sa condo. Iniisip ko na naman ang bata na nasa mga bisig ni dad kanina. I'm still too stunned to speak. Kahit kanina nong nasa kotse ako nong nakalabas rin kaagad ng ospital at nag biyahe na papunta dito sa condo nya. Ang tanging nasa isip ko lang ay 'yong bata.

Di pa rin talaga ako makapaniwala.

Kaya pala lalagi nalang silang nagbabakasyon don sa states. Kung uuwi man sila rito ay mga isang buwan lang din at babalik ulit at ang tagal pang umuwi.

Inaalagaan pala nila ang anak ko don sa states at nasa bahay ng grandma ko.

Pinaliwanag na nila sa'kin kung bakit nila nilayo ang anak ko. 'Yon daw kasi ang payo ng doktor na mas makakabuti raw 'yon dahil... Dahil baka masaktan ko mismo anak ko nong mga panahong 'yon dahil nababaliw na 'ko.

At dahil nga nagkaamnesia ako kaya mas mapapadali raw ang pagiging healthy and peace of mind ko kung aalisin ang mga magpapaalala sa'kin sa past ko.

Actually naintindihan ko naman dahil grabi rin ang pinagdaanan ko non. Di naman talaga amnesia ang nangyari. 'Yong para bang sa sobrang guilty sa nagawa ko ay parang mas ginusto ng body system at brain ko na tumayo sa katauhan ng kapatid ko, na akala kong ako si Austin para matakasan ko ang konsensya ko sa nangyari.

Ngayon na naalaa ko na ang totoo ay nandito pa rin ang konsensyang aking nadarama para sa kapatid ko. Feels like I'm having break down again pero mas tinibayan ko na ang sarili ko. Ayokong magpadala na naman ako sa emosyon ko at baka maapektuhan ang bagong pinagbubuntis ko ngayon.

'Tsaka isa la sa inaalala ko ngayon ay si Von.

Di ko alam kung pa'no ko sisimulan na sabihin 'to kay Von.

Twins Series 1: Twisted Life ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon