Chapter 32

1K 49 64
                                    

Lumipas ang gabi at pakiramdam ko ay ang gaan-gaan ng loob ko. 'Yong para bang wala na 'yong takot na kinikimkim ko matagal na. 'Yong para bang wala na 'yong bumabagabag sa isip ko at mapayapa ang tulog ko kagabi.

Napapatingin nalang ako ngayon sa kisame at iniisip na siguro dahil ito sa sinabi ni Von kagabi. Ben is already in jail. Wala nang manggugulo sa'kin. Wala nang mananakot sa'kin.

Sinabi ni Von na impossible pang makalaya ang kapatid nya sa laki ng pagkakautang ito. 'Tsaka wala rin daw planong bayarin ni Von ang utang ng step-brother nya. After all he done to me... And for his father too ay wala nang natitirang awa pa si Von sa kapatid nya.

Yeah, we couldn't give the justice for his father dahil nawala na 'yong phone ko. Di ko na alam kung saan 'yong pagkuha ko ng bidyo na tanging ebidensya 2 years ago. 'Tsaka wala ring mapapala sa mga cctv footage dahil ang linis nyang magtrabaho. Pero ganon man ay nakahanap sya ng katapat. Sa laki ng utang nya ay sigurado akong habang buhay na syang nasa kulungan.

Pasalamat nga sya ay di ito pinabayaan ng mga tauhan ni Von. They said that Ben was haunted by the company kung saan sya nagkakautang at mukang may plano raw sanang ipapatay. But then, long story short at kaya sya pinakulong.

Nakulong na ang isa sa mga problema ko. Di na nya 'ko malalapitan... At di na nya kami magugulo ni Von.

Napapatingin nalang ako sa kasama ko ngayon sa kama. Napapangiting makita si Von na mahimbing na natutulog. Nakaharap kasi sya ngayon sa'kin kaya't maingat kong hinaplos ang kanyang ilong. Ang tangos kasi eh at nakakainggit.

Pagkatapos kong haplosin ang kanyang ilong ay bumaba naman ang aking kamay sa kanyang mga labi. Ang nipis ng mga labi nya at ang ganda pa ng shape nito.

Ewan pero ang gwapo-gwapo nya talaga. Para ngang ang sarap lang titigan ang kanyang mukha maghapon.

Bigla nalang akong napabangon at dali-daling nagpunta sa cr. Nagsusuka pa rin kasi ako hanggang ngayon dahil nga sa pagbubuntis ko.

Mga dalawang minuto siguro ang tinagal ko don sa loob at lumabas rin kaagad pagkatapos kong magsuka.

Bumalik ako sa kama at tinabihan ulit si Von. Tulog pa rin naman sya kaya pinikit ko nalang ulit ang aking mga mata. Sobrang aga pa rin naman kasi. 5:40 am pa at pareho kaming walang trabaho ngayon.

Sa pagkapikit ko ay nagulat pa 'ko ng biglang namulupot ang mga kamay ni Von sa bewang ko at nalapit sa kanya. Sa aking pagbuka ay akala ko tulog pa rin sya.

Gising na gising na ito at nangungulisap na ang mga ngiti sa kanyang mga labi.

"Good morning, Ali" pabulong nyang sabi sa'kin. Nakikiliti pa ang tenga ko dahil sa hininga nya. 'Tsaka ang raspy ng boses nito na halatang bagong gising talaga.

Ngumiti ako pabalik sabay sabing;

"Good morning Von"

Nakatingin lang sya sa'kin na para bang aliw na aliw rin syang pagmasdan ako.

"Did you sleep well?" Balik nyang tanong at tumango lang ako.

A normal conversation with a normal answer from me. 'Yong parang kinakamusta lang ni Von ang tulog ko at kung galing pa raw ako sa pagsusuka.

Nakakaloko nga 'tong si Von eh. Kung makatingin sa'kin ngayon ay parang may balak na naman na iba.

"What do you want to eat for breakfast?" Pag-iiba nya at tatayo rin sana.

"Ikaw" pabalik ko at nagtaka ng nag-iba ang  timpla ng mukha ni Von.

"Ay este, ikaw? Anong gusto mong kainin?" Paglilinaw ko sa kanya pero parang huli na yata nang bawiin ko.

Twins Series 1: Twisted Life ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon