Chapter 37

1K 37 38
                                    

NOTE: Better Back read nalang po sa mga previous chapter kung nakalimutan niyo na dahil matagal-tagal na rin nong nag stop ako sa pag update HAHA!

***

Almost 10 hours passed after that interaction with my self-proclaimed brother. Syempre di kami basta-basta naniwala sa kanya. Sa dami ng pinagdaanan ko ay di naman siguro ako tanga para maniwala nalang kung ano ang pinaliwanag nya diba?

Tulad ng sinabi ni dad, only the DNA test will prove it if he is really my brother.

Agad kong pinunasan ang pawis sa aking noo sa kadahilanang nagbabagabag rin ako sa resulta.

Nakailang pagbuntong hininga ang aking ginawa at di pa rin maalis sa aking isipan ang pangyayari kanina. Bigla-bigla nalang kasing sumulpot ang lalaking 'yon. Bigla-bigla nalang syang nagpapakita at nagpakilalang kapatid ko. Aba'y malamang kung nagpadala kami sa damdamin namin ay maniniwala talaga kami na sya ang kapatid ko dahil kamukha ko sya. Pero matagal na ngang patay diba? Mahigit dalawang taon na nangyari ang pagkamatay nya. It's been so long and it's hard to decide if he really saying the truth.

Pero pa'no kung totoo nga ang sinasabi nya? Pa'no kung totoo nga na pinaretoke nya lang 'yong isang kasamahan nya at 'yon ang pinapunta sa apartment ko dati sa kadahilanang gusto nyang takasan si dad?

Maraming katanungan ang naglalaro sa aking isipan. Bigla nalang akong napaisip nong nangyari ng isang araw. That day when Von's guard told us na may nakita raw silang nagmamasid sa mansyon nya at kamukhang-kamukha ko raw. Pa'no kung sya na nga 'yon?

Haaiisstttt.

Napasara na lamang ako ng pinto bigla. Sumilip kasi ako sandali dahil parang may narining akong kotse na bumusina kanina.

Well, parang napraraning na siguro ako dito eh, akala ko lang pala 'yong narinig ko dahil wala pa namang dumating.

Patuloy ako sa paghihintay ngayon pero syempre ay umupo muna ako sa sofa. Medyo sumakit kasi balakang ko kakatayo kanina pa.

Di kasi ako pinasama nina dad sa pagpunta sa hospital dahil nahihilo nga ako kanina kasabay na don ang stress sa mga pangyayari.

Inip na inip na ako rito kakahintay ng resulta. Gustong-gusto ko mga sanang sumunod pero di naman ako papayagan ni Von dahil gabi na raw at mas mainam na maghintay nalang ako rito sa bahay.

Labag man sa loob pero sumunod ako sa payo nya.

Kami lang ni Von ang naiwan sa bahay at mga kasambahay. Kanina pa ako tinititigan ni Von dahil sa kakatayo at upo ko.

"Natapos na kaya sila?" Bigla ko nalang tanong sa sarili ko.

Inaamin ko man na may pagdududa ako sa lalaking 'yon na nagpakilala bilang si Austin, pero di ko naman ikakaila na may parte sa'kin na umaasang sya nga ang kapatid ko. He knows some things na dapat pamilya lang ang nakakaalam. He knows mom being a carrier, he knows me being a carrier kaya don palang sa parteng 'yon ay umaasa na ako, na naniniwala akong posibleng sya nga si Austin.

I grab my phone and check my messages dahil baka may balita na sila pero wala pa rin. I even chatted mom if what's the result pero di naman online. Wala akong nagawa kundi e bitawan ulit ang selpon ko sa sofa at ang lalim na naman ng iniisip.

I immediately felt the warm of Von's hand holding mine.

"Stop overthinking, Ali" Von softly spoken infront of me.

"Ako ang naprapraning sa'yo eh" sunod nyang sabi sa akin at para akong aso na hinimas-himas ang buhok ko sa ulo.

Seeing Von right now made me felt guilty also. Eh kasi kanina pa rin si Von sunod ng sunod sa'kin. Kung tatayo ako at pumunta sa may pinto ay ganoon rin sya. Parang sya pa nga 'yong nahihilo kakabantay sa'kin eh.

Twins Series 1: Twisted Life ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon