Chapter 7

1.7K 66 41
                                    


"Galing ako nagpacheck-up non nong naaksidente ako Von" ani ko habang nakadungo ang aking mukha. Di ko kayang harapin sya sa pagkakataong 'to. I acted like I'm crying dito sa mga kasinungalingang binitawan ko.

Nong una ay gusto kong matawa. Matawa dahil sa kuro-kuro kong kwento. Pero ngayon na makitang naaapektuhan rin sya dahil sa nangyari sa anak nila ay parang sinampal ako ng katotohanang di lahat ng nakakatawa ay ikakasaya rin ng iba.

He even distance himself as he heard me telling what happened. His expression tells like it was his fault. 'Yong mukha bang sinisisi niya ang sarili niya dahil wala sya ron at di nya naprotektahan ang importante sa buhay niya.

"I'm really sorry. I'm being careless and I didn't save our baby"

Gulat nalang ako matapos kong sabihin 'yon ay nong niyakap niya 'ko pabigla. 'Yong para bang pinapahiwatig ng yakap nya na wag akong humingi ng tawad.

I felt how sincere he is when it comes to his baby and to Aiden.

Napasobsob ang mukha ko sa kanyang dibdib kasi nga ang tangkad niya kaysa sa'kin. Wala akong nagawa kundi ang sakyan ang sitwasyong ito.

"Papunta na sana ako sa bahay mo non galing hospital pero naaksidente ako sa pagmamaneho" I say it again and he's just here, standing in front of me, hugging me, and listening to my lies. Sobrang guilty na ako. Sobrang-sobra pero di ko alam kung pa'no ko pa nasikmura ang sarili ko at nagawa ko pang dagdagan ang mga kasinungalingan ko.

"Von natakot ako non" patuloy ko.

"Mas natakot ako sa kung ano ang magiging reaksyon mo na nalaglag ko ang anak natin ng ganon kaaga"

I distance myself and tried to explain as convincing as I could. Kung kailangan kong lumuhod dito sa harapan nya para lang magmukhang katotohanan at sincero.

"I was also terrified and depressed of what happened kaya ganon ang nagyari..."

"Kaya ako di nagpakita sa'yo" dagdag ko.

Sobrang dami ng kasinungalingang binitawan ko ngayon. Basta kung ano lang ang naiisip kong swakto sa sitwasyon nila ay sinabi ko na.

Taena! I was too shock in myself dahil ganito pala ako kagaling gumawa ng kuro-kurong kwento. Kung ako ang mag imbento ay parang binuhay ko ang patay. Swaktong-swakto sa sitwasyon na meron sila.

Mabuti nga at di na sya nag tanong ng tungkol sa iba dahil wala talaga akong kaalam-alam sa relasyong meron silang dalawa.

Alam kong darating ang araw na mabubuko nya 'ko. Pero di naman sana ganon kadali dahil ayaw ko pang matigok jusko!

Nga pala... Isang araw na ang nakalipas mula nong kinulong niya ako sa bodega. Yuppp! That was a day ago.

The first day ay takot na takot pa rin ako sa kanya kahit na iba naman ang ipinapakita nya. Eh sino ba naman ang di matatakot. Ikaw ba naman kinulong ng isang gabi don sa madilim na bodegang 'yon!

'Tsaka nong pinabalik niya ako dito sa silid nya ay parang sobrang balisa ako.

Para bang natrauma ako na baka kung makagawa ako ng mali ay ikukulong na naman niya ako don at tatalian. Ayokong bumalik don. Ayoko! Ayoko!

At mabuti naman ay nabago ang pakikitungo nya mula nong nagpanggap akong si Aiden.

Sobrang naninibago nga lang ako sa mga pinapakitang kilos nya sa'kin. He was so gentle on me after that day that I lied that I'm Aiden.

Di ko aakalaing ganon pala sya kadaling maniwala sa mga sinabi ko.

Pero dahil din don ay para syang biglang nagbago ang pakikitungo at 'yong kilos nya ay parang palaging nakikisuyo. 'Yong para bang bigla syang bumait lagi at gusto lang akong alagaan.

Twins Series 1: Twisted Life ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon