Chapter 27

982 43 30
                                    

Note: This chapter is still part of flashback. Medyo madali ang pangyayari dahil ang mga importanteng naganap na lamang ang aking sinulat at para matapos na ang flashback session haha!

***
"Brother! Gusto ko paglaki natin, pareho lang din tayo ng magiging asawa" pabirong tugon ko sa kapatid ko kaya't nakita ko kaagad kung pa'no nagbago ang timpla ng mukha nya at inaasahang seseryosohin nga ng kakambal ko ang sinabi ko.

Ang bata² pa namin tapos ito na agad ang pinagsasabi ko haha! We're still 8 years old but the way he handle what I said is like he's an old man already and so serious when it comes to this matter.

"Luhhhhh! Di naman pwede 'yon brother" sita nya sa'kin at napapangiti lang ako dahil sa gusto kong asarin ang kapatid ko.

Di naman talaga pwede 'yon. Di porket magkapatid kami ay pwede na kaming magkaroon ng parehong partner pagdating ng araw. 'Tsaka pansin ko na 'to sa brother ko na straight guy sya kaya alam kong pagdating ng araw ay babae ang mahahanap niya at lalaki naman ang sa akin kaya malabong pwedeng mangyari ang gusto niya.

"Diba twins naman tayo, so pwede na rin 'yon" pabiro at depensa ko na namang sagot at pinagpipilitan ang gusto. Jusko! Ang bata pa nga namin pero ito na pinag-uusapan jusme!

Napatingin nalang ako sa kakambal ko. Ewan ko kung saan sya nagmana pero ang seryoso nya sa mga bagay-bagay . Sa mga tingin niya ngayon ay alam kong di sya tumatanggap ng biro na ganon kahit na malabo naman talaga na pareho lang kami ng magiging partner namin pagdating ng araw.

"Ang bata-bata pa natin brother para sa mga ganyan. Natapos mo na ba ang assignment mo?" Sa tanong nyang 'yon ay napalingo-lingo nalang ako nagpapahiwatig na di ko pa natatapos.

Napasapol nalang din sya sa noo. 'Tong kakambal ko talaga, di madadala sa biro wews! 'Tsaka ako naman dito na kung ano-anong iniisip pero di pa pala tapos don sa assignment ko haha!. 'Tsaka ang kulit ko talaga... Sobrang kulit ko pagdating sa kakambal ko ...

As in! Sya talaga paborito kong inaasar.

Di pa 'ko tumigil sa kakasabi sa kanya na sana pareho nalang kami ng mapapangasawa paglaki namin para naman di na gastos sa kasal diba? 'Tsaka ayaw ko rin mahiwalay sa rwin brother ko ehhhh!

Masyado nya 'kong sinasanay na nadyan sya palagi sa tabi ko.

Sa kadaldalan ko ay mahina nya pang tinulak ang noo ko gamit ang daliri nya dahilan para maiyak ako.

"You hurt me, brother" pag-iyak ko na malakas na ang pagtulo ng aking luha.

"I'll tell dad that you hurt me" sabi ko pa at tatayo sana.

"Woah! Don't tell dad please. I'm sorry brother, I'm sorry"

He is now blowing my forehead para daw di na sumakit kung saan nya 'ko sinaktan kanina.

"I'll give you candy if you promise me not to tell dad" saad nya pa na nakaagaw ng atensyon ko.

"R-really?" Patanong ko.

"Wow! You have so many candies brother"

Nagulat kasi ako ng ilabas nya sa bulsa nya ang siguro mga sampong candy at nilagay pa sa mesa namin ngayon.

Nagtaka pa 'ko kung sa'n sya galing nyan eh di naman bumibili sina mom at dad ng candy at nag stock sa ref. 'Tsaka di rin kami pinapalabas ng bahay kaya pa'no sya nakabili nyan.

"Shhh, kuya Jordan gave it to me. Be quite before dad hear us" pag-aamin nito.

Napatango pa nga kaagad ako. Palingon-lingon pa kaming dalawa ng kakambal ko.

Twins Series 1: Twisted Life ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon