Nakatunganga lang ako ngayon ng matapos kong bilangin ang sweldo ko. Taena, may mga absent pa ako kaya napapakamot nalang ako sa sweldo ko ngayon. Walang-wala lang 'to sa binibigay na allowance sa'kin ni dad kaya mapapaisip talaga ako kung magtratrabaho pa ba ako o magpapabuhay nalang sa parents ko taena.
Private hospital pa kaya nakadepende talaga sa hours of duty ko ang sweldo ko huhu.Nilagay ko nalang sa wallet ko ang pera at bumaba na. Nasa bahay ako ngayon at baba na ako para mag lunch. Kakagaling ko lang talaga sa hospital para magkuha sa sweldo ko.
Pagbaba ko ay bumungad agad sa'kin si Kuya Jordan. Pupuntahan nya raw kasi sana ako sa silid ko para ayain na maglunch. Eh tamang-tama na nagkasalubong na kami kaya deritso na agad sa kusina.
Mga ilang araw na rin pala ng magkasabay kaming kumain dito. Jusme! Halos kasi kami nalang palagi ni Von ang magkasamang kumain at parati na rin akong nakatambay sa condo nya lalo na pag walang duty. Kulang nalang dalhin ko na mga gamit ko don taena.Pero si Von din kasi ang namimilit eh. Di nya 'ko titigilan hanggat di ako pumayag na don muna ako sa condo nya lalo na kapag gabi dahil gusto nya 'kong makatabi matulog.
Eh sa marupok ako eh kaya aayaw pa ba ako? Lols! Bored din kasi sa bahay eh. Baka puro tulog lang gagawin ko pagnagkataon. Paminsan-minsan na rin kasi kaming nakalabas ng barkada dahil sa busy sa trabaho. Kaya napapadalas talaga ako kay Von.'Tsaka nakakatuwa rin kading kasama 'tong surot na Von. I don't know pero lahat nalang yata ng ginagawa nya ay nakakatuwa para sa'kin. Minsan nga mapapaisip nalang ako kung nababaliw na ba ako? Diring-diri pa ako non sa ka clingy ni Von dati pero guess what? Haisstttt! Jusme! Parang hinahanap-hanap ko na ang lalaking 'yon taena. Minsan nakakadiri na ang sarili ko dahil di ko aakalaing darating sa puntong 'to at magiging ganito ako.
Pero ganon din naman daw ang nararamdaman ni Von. Nagkukwento pa sya nong bago nya raw nalaman na di ako si Aiden. Actually makikita ko pa rin sa mga mata nya ang pangungulila sa kapatid ko. I know mahal niya pa rin ito. His feelings to my brother won't change... I can't change that.
But I can also felt the love he gave me. Alam kong totoo 'yong mga binibitawan nyang salita sa'kin. Ramdam ko.
Pero minsan nga ay mapapaisip ako na baka ginawa nya lang akong panakip butas lalo pa't magkamukha lang kami. But Everytime I'm doubting his feelings towards me, he won't stop doing things na magpapatunay na minamahal na nga nya ako.Di man ganoon kamahal pero ramdam ko na may piraso na ako sa puso nya. Well parang bagong magnobyo lang nga. 'Yong di mo pa masyadong mahal pero pursigido kang ipagpatuloy lalo pa't makikita ko naman na komportable sya sa'kin.
Napalingon nalang ako kay kuya Jordan ng tanungin nya 'ko kung 'yon lang ba daw ang kakainin ko. Tumango ako at sinabi sa kanya ang totoo na kumain ako ng pizza kanina kaya medyo busog rin. Di nga sana ako bababa dito sa kusina eh. Pero gusto ko ring makasabay sila dahil nga ilang araw na rin mula nong nagagawa namin 'yon.
'Tsaka sobrang saya ko pang umakyat sa silid ko. Sinabihan kasi ako ni Kuya Jordan na next month daw ay uuwi na sila mom at dad. Excited ako sa pag-uwi nila awieeee! Jusko namiss ko sila. Taena, sinulit talaga nila ang bakasyon nila dahil halos mag dalawang buwan na sila don sa states.
Pagbalik ko sa sariling silid ko ay selpon ko kaagad ang pakay ko. Humiga kaagad ako sa kama kahit na bagong kain pa lang ako. Halatang tamad talaga eh no? HAHA! jusme, kung di dahil sa parents ko ay di ko alam kung saan ako pupulutin taena.
Pa selpon-selpon na lamang ako.
Mga tiktok videos na naman ang pinanood ko. Ewan pero basta nasa bahay ako ay sobrang nakakabored talaga. 'Yong puro nalang ako selpon at walang ibang ginawa kundi mag selpon haisstt!
Sa mga videos dito sa tiktok ko ay puro pa rin tungkol don sa Doctor's Strange: Multiverse of Madness. Jusme! Mukang sikat na sikat to ah? Kung ito nalang sana pinanood namin sa sinehan ano?
BINABASA MO ANG
Twins Series 1: Twisted Life ✔️
Romance[Twins series #1] STATUS: COMPLETED Description: What would you do when there's a tall and handsome, but full of dark aura suddenly approach you out of nowhere? He tried to own you, afraid to lose you again, and asked things that you're not even awa...