Chapter 19

1.3K 56 55
                                    

Mabilis akong pumasok sa kotse ko at paharurot itong pinatakbo. I don't care if I'm not following the speed limit in this area. All I want is to escape. All I want now is to go far and be safe.

Alam kong sinusundan nya 'ko. Alam kong may plano syang gawin para lang makuha 'tong tanging ebidensya na nasa selpon ko. Matapos kong masaksihan 'yon ay di na 'ko mapakali. Di ko lubos maisip na kaya nyang gawin 'yon.

Yeah, I still love him pero di na tama para pagtakpan ko sya sa ginawa nya. Niloloko na nga namin si Von tapos may mas malala pa syang ginawa para lang sa pisteng posisyon na 'yan.

I looked at the side mirror. I panicked when I saw that black car is following me. Medyo malayo-layo pa sya kaya di pa ganoon ang kaba. I just need to keep distance until makaabot ako syudad.

Piste kasi! Sana pala di ko na sya sinundan. Sa sobrang layo ng pagsunod ko sa kanya ay di pa naging maganda ang nangyari. It's almost 12 in the midnight at wala ng katao-tao sa mga daan.

Kinakabahan ako oo, pero tinatagan ko loob ko. I need to stay calm.

Halos mga isang oras din akong nagmamaneho ng walang preno-preno. I need to get on police station as soon as I could.

Tinignan ko ulit sa side mirror at mabuti na malayo-layo pa rin sya. Habang mabilis na nagmamaneho ay bigla kong naisip ang kapatid ko. Kanina pa ang dating nya siguro sa apartment dahil plano nitong bisitahin ako. Sigurado akong nag-aalala na 'yon sa'kin.

Pasimpleng kinuha ng isang kamay ko ang phone ko.

Mabilisan kong binasa ang mga text messages nito na di na halos tumitingin sa daan.

[I'm already here in your apartment, brother] - 7:25 pm.

[When will you come home brother?] - 8:57 pm.

[Wala kang sujo? Haisstt! medyo malayo-layo pa naman ang 7/11] - 11:16 pm.

He's maybe on city or pauwi na sya sa apartment?

Mabuti rin na nandito ang kapatid ko upang mahingan ko ng tulong. Sa totoo lang ay nagpapanick na 'ko. Di na ako halos makapag-isip ng maayos. At tamang-tama na mas maalam ang kapatif ko kaysa sa'kin kaya pwede ko siguro syang mahingan ng tulong sa pagkakataong 'to.

Sinubukan ko pang kontakin ang kakambal ko habang ang isang kamay ay nagmamaneho pa rin ng kotse.

Nakailang call na 'ko pero di nya sinasagot. Nag ri-ring naman phone nya. Siguro iniwan nya lang sa apartment? Gosh!

Binitawan ko nalang kaagad ang selpon ko at mas tinuon sa daan ang atensyon.

Di pa rin ako mapakali.

Nandyan pa rin sya na sumusunod sa'kin.

I drove with a full speed to increase the gap between my car to his. Pero mas lumalapit lang ito.

Pinaharorot ko na talaga ang sasakyan ko lalo pa't may mga nakikita na 'kong mga bahay dito. Mga isang kilometro na lang din at apartment ko na.

Walang tigil habang balisa pa akong lumingon-lingon sa sasakyang nakasunod sa'kin. I'm so scared of what was about to happen.

Sobrang kaba ko nalang na biglang nakalapit na sa kotse ko ang sumusunod sa'kin. Halatang babanggain nya ang sinasakyan ko ngayon kaya deritso akong lumiko sa pagmaneho.

Sa dulong pagliko ko ay gulat na gulat pa 'ko ng makitang may tao palang naglalakad sa gilid. Sa kasamaang pagkakataon... di ko inaasahang may mabangga ako.

Natatakot pa kaagad akong lumabas sa kotse. Nakabangga ako! Jusko! Takot na takot ako dahil sa bilis ng takbo ko ay medyo malayo-layo ng inabotan nong nabangga ko.

Twins Series 1: Twisted Life ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon