Chapter 12

1.4K 63 71
                                    

"Sa'n tayo pupunta pagkatapos?" Tanong niya kaya't nilunok ko muna ang kinakain ko.

"Uwi na tayo pagkatapos. Nahihilo na 'ko dahil kung saan-saan mo nalang ako dinadala" rason ko.

Tumango na lang din sya sa tinuran ko na nagpapahiwatig na sang-ayon ito.

Isang araw na nga pala ang lumipas mula nong dinala nya 'ko sa sementeryo. May bahay din pala sya dito at malaki rin kaya don ako nakikituloy. Aba'y dapat lang talaga dahil sya nagdala sa'kin rito kaya siguradong may bahay ito sa lugar na 'to.

Napahinga na lamang ako ng maluwag dahil medyo napagod ang sarili ko.

Buong araw kasi kaming gumala taena! Naabotan nalang kami ng gabi sa paglilibot dito. Well, I enjoy din namn kaya masasabi ko ring sulit.

Patuloy nalang ako sa pagkain hanggang sa maubos ko 'yon akin.

"Order pa ba 'ko ulit?" Palingo-lingo lang ako sa tanong nito.

"Sakto na sa'kin 'yon" paliwanag ko. Medyo naparami nga ako ng kain eh.

"Okay, then I guess we have to go now. Mukang napagod ka yata sa lakad natin"

Tumango ako sa kanyang sinabi at sumunod sa kanya.

Umalis na nga kami pero dinala ko muna baso ko dahil di ko pa nababawasan ang coke ko.

"Bilis mong mapagod" ani nito habang nasa labas na kami ng kinainan namin.

"Yeah" sang-ayon ko at uminom ng coke.

"Pa'no nalang kung gamitin kita gabi-gabi" may halong pa kidhat-kidhat pa sya ng sabihin nya 'yon sa'kin.

Halos mabulwak ko na sa harap nya ang coke na nasa bibig ko taena! Anong gamitin?! Kung suntukin ko sya ngayon sa itlog ng matigil sya sa kalibugan nya? Tskk!

Deritso akong pumasok sa backseat at sinadyang di sya tabihan sa unahan. Wala sa mood ko pang iniinom ang coke ko at wala syang planong pansinin.

Napataas kilay na lamang ako ng binuksan nya ang pinto at hinarap ako.

Oh? Ano kailangan nito?

Kung buhusan ko sya ng iniinom ko ngayon ng matigil 'tong lalaking 'to.

Patawa-tawa pa kasi 'to kahit nasa kotse na kami. Nasaniban ba si Von? O may lahing buang lang? Tawang-tawa ah? May kung ano ba sa mukha ko?

Napatingin na lamang ako sa front mirror at tinignan ng maiigi. Wala naman ah! 'Tsaka ang gwapo ko pa nga sa suot ko ngayon na binili ni Von. So ba't sya tumatawa?

Mukang napaghahalataan 'tong si Von na may kulang-kulang sa utak eh.

"Bakit ngaaa?!" Inis ko ng kausap sa kanya ng wala pa itong planong tumahimik.

"Wala ka man lang bang plano isauli ang baso sa Mcdo?"

Sa tanong nyang iyon ay napataas kilay pa ako. Natahimik ako sandali sa tinuran nya at bigla na lamang akong binalot ng hiya ng ngayon lang nag proseso sa utak ko ang sinabi nya.

WHAATTTTTT???!!!

Di ko alam kung matatawa ba ako sa sarili k o mahihiya. Takte! Kita kong si Von ay di na mapigil-pigil sa pagtawa na ikinainis ko pa.

Tang*na!

"VONNNNN BAT DI KA MAN LANG NAGSABI" sisi ko pa sakanya na parang sya pa ang may kasalanan kung bakit di ko nasauli 'to.

YAWA NAKAKAHIYAAAAAAA!

Ayoko! Ayokong marinig ang tawa nya!

Lumabas pa ako ng kotse at inaabot sa kanya ang baso kung pwede isauli nya. Pero ang buang ay umiwas lang at nagpunta pa sa kabilang parte ng kotse at planong magpahabol-habol pa ito taena!

Twins Series 1: Twisted Life ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon