NOTE: THIS IS THE REVISED CHAPTER. SOME SCENES ARE CHANGE.
Aiden POV~
Pagbuklat ng aking mga mata ay bumungad na sa'kin si Von na parang kanina pa ako pinagmamasdan. Napakusot-kusot na lamang ako na baka may kung ano sa aking mukha kaya sya nakatitig sa'kin. Oh kay bilis naman ng Umaga at antok na antok pa ako huhu.
Ilang segundo pa pero minamasdan pa rin ako ni Von kaya napagpasyahan ko na lamang na di sya intindihin at muling ipikit ang mga mata.
Di lang nagtagal ay naramdaman ko na ang kamay ni Von sa aking tyan na para bang nakagawian na nya ito. He acted like he was checking our unborn child in my womb.
Sa ginawa nyang 'yon ay minulat kong muli ang aking mata at wala nang planong matulog pa.
"Good morning Angel" malambing na pag bati nito sa'kin pero tumaas lang kilay ko.
"Sinong Angel?" Asal ko kaagad kahit na alam ko naman kung ano ang ibig nyang sabihin. Eh sa gusto ko syang pagtripan eh.
Ngumisi lang sya na para bang nagpipigil ng tawa.
"Sino ngang Angel ang sinasabi mo? Umamin ka nga Von, may babae---" pinutol nya ang aking usisa at nagsalita rin kaagad.
"Ipaparanas ko sa'yo ang sarap mamaya para makapunta ka ng heaven at makita mo ang angel na hinahanap mo"
I was too stunned to speak hearing that from Von. Ang mga tingin nya ay para bang nagbabanta na kung di ako titigil sa pagtatanong kung sino 'yang angel na 'yan ay mukang totohanin nya talaga ang kanyang sinabi.
Sa kay aga-aga ng pagtri-trip ko pero parang ako yata ang naaasar ah? Tskk!
"Mag-iinit muna ako ng tubig" pag-iiba ko para lang makaiwas sa mga titig nya. I was ready to get up but then... He gently hold me back dahilan para mapahiga akong muli sa kama at mapaharap sa kanya.
"Bakit pa ang tubig ang papainitin mo kung pwede namang tayo nalang dalawa" saad nya na parang di na magpapaawat sa inumpisahan kong biro kanina.
"Huh? Shunga magtitimpla ako ng gatas" pagdadahilan ko kahit di naman talaga.
Bigla nyang inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga na dahilan para mapaatras ako ng kunti. Eh sa pagbuga ng kanyang hininga ay parang kumukuryente ito sa buo kong katawan. Para rin kasing sinasadya talaga ni Von eh jusme!
"Magtitimpla nga ako ng gatas Von" ulit ko pero di talaga sya nagpaawat.
"Inumin mo gatas ko"
Napatigil ako ng wala sa oras dahil sa kanyang binulong. Ngayon ay nakadistansya na sya dahil alam na alam na nyang makukurutan ko talaga tenga nito sa kung ano-ano nalang ang pinagsasabi kahit na kakagising ko palang.
"Tumahimik ka nga Von" sermon ko sa kanya.
"Aga-aga kung ano-ano na naman lumalabas sa bibig mo" patuloy ko.
Tumahimik nga sya at mabuti 'yon. Kahit na wala akong planong bumangon ay dumeretso nalang ako sa kusina. Sumunod na rin sya at imbes na ako ang mag-init ng tubig ay sya na ang gumawa at naghanda ng makakain namin.
BINABASA MO ANG
Twins Series 1: Twisted Life ✔️
Romance[Twins series #1] STATUS: COMPLETED Description: What would you do when there's a tall and handsome, but full of dark aura suddenly approach you out of nowhere? He tried to own you, afraid to lose you again, and asked things that you're not even awa...