Malamig sa balat, ang sarap sa pakiramdam. Sobrang presko kung damdamin ang tubig na akala mo'y nakakatanggal ng bagabag sa aking isipan.
Oo, hanggang ngayon ay nababagabag pa rin ako sa sinabi ng tauhan ni Von. Di ko maipaliwanag kung bakit pero sa kailaliman ko ay iba.
Ilang araw din ang nagdaan mula nong pangyayaring 'yon. Ilang araw na rin akong nababahala dahil don. Siguradong-sigurado raw kasi ang tauhan ni Von na kamukha ko ang nakita nya.
Ang akala ko nga ay si Ben 'yon na gumawa lang ng paraan. Pero mabuti naman nong pinatignan namin sya sa kulungan ay nandoon pa rin ito nakakulong.
With all things we made para lang makakuha ng sagot ay wala kaming makuha.
Therefore we conclude na baka nagkamali lang ang tauhan nya.
Baka nga ay namamalikmata lang siya sa kanyang nakita.
Imposible... Impossibleng makakita sya ng kamukha ko kung patay na naman ang kakambal ko. Maliban nalang siguro kung may hawig diba?
Pero isa rin sa tinatanong ni Von ay kung bakit kailangan nyang silipin ang mansion at kung ano ang pakay nito. Tulad nga ng ulat ng tauhan nya ay para raw itong nagmamatyag at may kailangan sa loob. Nong tinawag nya ito ay agad raw na tumakbo at sumakay sa puting kotse.
Sa pangyayaring 'yon ay nabahala si Von. Pinahigpitan nya ang pagbabantay sa labas at siniguradong walang makakapasok.
Actually natatakot ako. Lalo pa't nandito ang anak namin ni Von at baka kung ano pa ang mangyari.
Pero 'yong kaba ko ay patuloy na naiibsan kapag mararamdaman kong nandito lang si Von sa tabi ko.
"What's on your little head, Ali?" Nabalik ang atensyon ko ng magsalita si Von sa aking likuran.
"H-huh?" Wala sa sarilk kong tanong at di namalayang nakatulala na pala ako rito.
"Ano iniisip mo" pag-uulit nya at agad rin naman akong sumagot.
"Ikaw... Ikaw ang iniisip ko" pambubula ko sa kanya at ngumisi lang ito na parang di makapaniwala.
"Hmmm... Sa gwapo kong 'to kaya di na bago kung palagi mo akong iniisip"
Parang ang lakas ng hangin sa bandang 'to at sarap mangurot ng tagiliran sa sobrang gwapo-gwapo sa sarili. Tskk!
"Pero naiisip mo ba ang naiisip ko?" Pag-iiba nya at humahalik-halik pa sa leeg ko.
"Von... Nakakakiliti" angal ko sa kanya na medyo tumatawa. Eh kasi nakakakiliti naman talaga kapag 'yong sa may balbas nya ang humahaplos sa may leeg ko.
"Ali" kakaibang pagtawag nya sa'kin at parang alam ko na kung ano ang susuyuin nito.
"Hmm?" Pag-aasta kong di sya naintindihan sa pa pout-pout nya.
"Pwede ba tayo ngayon?" Nangungusap na mata at malambing ang boses nitong pagkasabi pero umiling-iling ako.
"Bukas na ng gabi" saad ko sakanya sabay paliwanag na medyo pagod ako.
"Promise?" He asked for assurance at tumango ako.
Nakita ko syang nalungkot sandali pero agad din naman nagbago ang mood nya.
Well he know who to prioritize more.
It's just a lust at alam kong iniisip nya rin 'tong pagbubuntis ko kaya di nya pinipilit ang gusto nyang mangyari.
Actually 'yan din ang isa sa mga napansin ko kay Von mula nong nagpacheck-up kami. Once in a blue moon nalang talaga kaming nagtatalik. Minsan nga kapag ako naman ang gusto ay sya naman 'yong nagsasabi na baka raw mawarak nya pa ako HAHA!
BINABASA MO ANG
Twins Series 1: Twisted Life ✔️
Romance[Twins series #1] STATUS: COMPLETED Description: What would you do when there's a tall and handsome, but full of dark aura suddenly approach you out of nowhere? He tried to own you, afraid to lose you again, and asked things that you're not even awa...