Austin POV~"Brother! Gusto ko paglaki natin, pareho lang din tayo ng magiging asawa" seryoso nitong tugon kaya't ako'y napanganga ang bibig.
Ang bata² pa namin tapos ito na agad ang pinagsasabi niya. We're still 8 years old but the way he said it seems like he's now ready to marry someone.
"Luhhhhh! Di naman pwede 'yon brother" sita ko sakanya.
Di naman talaga pwede 'yon. Di porket magkapatid kami ay pwede na kaming magkaroon ng parehong partner pagdating ng araw. 'Tsaka pansin ko na 'to sa brother ko na medyo girly sya kaya alam kong pagdating ng araw ay lalaki ang mahahanap niya at babae naman ang sa akin kaya malabong pwedeng mangyari ang gusto niya.
"Diba twins naman tayo, so pwede na rin 'yon" depensa naman nya at pinagpipilitan ang gusto nito.
Napatingin nalang ako sa kakambal ko. Ewan ko kung saan sya nagmana pero ang hilig niyang mang-asar. Sa mga tingin niya ngayon ay alam kong biro niya kang 'yong sinabi niyang gusto nito na pareho lang ang magiging partner namin pagdating ng araw.
"Ang bata-bata pa natin brother para sa mga ganyan. Natapos mo na ba ang assignment mo?" Sa tanong kong ito ay nakita ko syang lumingo-lingo na nagpapahiwatig na di pa nya natatapos.
Napasapol nalang ako sa noo. 'Tong kakambal ko talaga, kung ano-anong iniisip pero di pa pala tapos don sa assignment niya. 'Tsaka ang kulit pa nito... Sobrang kulit ng kakambal ko ...
Kakulitan na namiss kong lubos.
---
Tumutulo nalang ang luha ko habang iniisip ang ilang mga pangyayari namin noong mga bata pa kami.
I miss him... I miss my twin brother... I miss him so much.
Mas lalong nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga namumuong luha sa aking mga mata. Sumasakit ang aking dibdib sa mga alaalang meron kami ng kakambal ko.
He's my twin brother, he's my partner in crime, he's my bestfriend... But now... He left me.
He left us already.
Isang taon na simula nong namatay ang kakambal ko.
Sa isang taon na 'yon ay di ko pa rin matanggap. Di ko pa rin lubos maisip na sobrang aga niyang umalis sa buhay namin ni papa at daddy.
He got car accident last year. Nabalitaan ko nalang nong panahong 'yon nang tinawagan ako ni papa tungkol sa nangyari sa kakambal ko.
Ang sakit lang kasi isipin...
Matapos tumawag si papa ay tinignan ko ang phone ko ng may missed call pala akong natanggap.
Napapaluha pa rin ako kapag naiisip ko 'yon. My twin brother call my phone that time pero iniwan ko lang ang phone ko sa kama non dahil may binili lang ako sa labas.
And I'm so pissed that even the last call from my twin brother ay di ko pa nasagot.
"Kumusta ka na Aiden" kausap ko nalang sa puntod niya. Mag-isa lang ako dito dahil si papa Nyx at daddy Jake ay nandon pa sa states. Naisipan ko lang talagang bisitahin ang puntod ng kakambal ko ngayon.
"I am 25 but you're still 24" mabigat sa loob kong sambit. Nilagay ko sa lupa ang dala kong bulaklak. Pinupunasan ko ang luha kong walang planong tumugil.
"Alam mo ba... Ikaw pa rin ang bestfriend ko hanggang ngayon" kausap ko uli sa hangin at pinipigilan na ang luha pang kumuwala. Kakambal ko sya at bestfriend ko rin. At wala na akong planong palitan sya bilang isang bestfriend ko.
"Na miss kong makipagkwentuhan sa'yo Aiden" saad ko at saka ngumiti ng matamlay.
Umupo ako sa gilid at minamasdan lang ang puntod niya. Ang bata pa ng kapatid ko nang nawala sya sa mundo. We're 24 years old that time when he got accident and died. And now it's 1 year after.
BINABASA MO ANG
Twins Series 1: Twisted Life ✔️
Romance[Twins series #1] STATUS: COMPLETED Description: What would you do when there's a tall and handsome, but full of dark aura suddenly approach you out of nowhere? He tried to own you, afraid to lose you again, and asked things that you're not even awa...