Austin POV~
Pagbuka pa lang ng aking mga mata ay agad akong tumayo at deritso sa pinto. Nakatulog ako kanina sa sobrang pagod kakasigaw at tadyak sa pinto. Ewan ko, malakas naman ako, pero kahit anong gawing tadyak ko sa pintong 'to ay di natutumba. Napagod na lamang ako at nakatulog kanina pero wala man lang silang paki sa'kin.
Kung kidnapped for ransom lang sana 'to ay mas maiintindihan ko pa masyado ang pangyayari.
Sobrang bilis ng mga nangyari sa'kin ngayong araw, parang kakaplano ko palang kanina na tatawagan ang mom ko pero heto ako rito sa isang silid. Kinukulong nila ako, kinulong ako nong isang nakakatakot kung tumitig na lalaki. Presenya niya pa lang ay parang manghihina na ako kaharap sya. Kung tumingin kasi sya ay parang babalian niya ako ng buto. Sa paghawak niya palang sa pulsuhan ko kanina ay alam kong wala na akong laban dito.
Sa mga nangyari kanina ay di ako mapakali. Para akong balisa na di alam ang gagawin.
Huminga ako ng malalim ng makalapit ako sa pinto. Dinikit ko ang tenga ko dito at pinakinggan kung may tao ba sa labas. Halos mag-iisang minuto ko ring ginagawa 'yon bago ako makarinig ng yapak. Yapak na alam kong palapit sa silid na kung saan meron ako.
"Can y'all just get me out of here?" Utos ko. Di ako sanay magmakaawa kaya bakit ko gagawin 'yon?
"Takte! Kung kailangan niyo lang ay pera ay bibigyan ko naman kayo!" Dagdag ko pero wala talagang nagtangkang magbukas. Ni hindi ko nga alam kung nandyan pa 'yong narinig kong yapak kanina.
Nagdabog ako sa loob at tinadyakan pa ang pinto. Mga walang kwenta! Ano ba kasi ang mapapala ng mga taong 'to sa'kin?
'Tsaka don sa lalaki kanina, kung si Aiden lang naman pakay niya, e pa'no ko maibigay gusto nito kung wala na nga ang kapatid ko.
Kung pera lang naman ang kailangan nila, bakit di agad sabihin. Bakit kailangan pang paikutin ang utak ko kakaisip sa mga pinagsasabi nong lalaking nakakatakot kanina. Ex-boyfriend ba talaga 'yon ng kakambal kong si Aiden? O gumagawa-gawa lang din sya ng storya?
Sa totoo lang ay parang di pa rin nagproseso sa utak ko ang mga sinabi nong lalaki. Sobrang gulat pa rin ako nong narinig kong una niya akong tinawag sa ngalan na "Aiden". And why do I see in his eyes that he still had feelings for my brother? Especially when I told him that Aiden had a car accident last year. I can felt the pain in his eyes. I don't know kung nalulungkot sya sa katotohanang sinabi ko, o dahil akala niya ay nagsisinungaling lang ako.
I think he's mad at me because he thought I lied to him. Ang sa akala niya siguro ay gusto ko lang syang takasan kaya nagmamaang-maangan ako. Pero ano ba ang magagawa ko? Eh 'yon ang totoo!
And no matter how I explained it to him, he won't believed me. Kahit pa siguro ipakain ko sa kanya lahat ng impormasyon ay magdadalawang isip pa 'yon na paniwalaan ako.
But how can I convince him that I'm not really Aiden? Or will he ever believed me?
So pa'no ko ipapaintindi sa makitid niyang utak kung hindi sya handang magtiwala? Haissttttt!
Nang wala akong magawa ay umupo nalang ako sa gilid ng pinto.
Tinitingala ko ang bobong ng silid na may maraming katanungan sa isip.
Pinikit ko na rin ang mga mata ko na parang pinakiramdaman lang ang paligid. My mind kept asking, why, why, and why this happened.
Bakit kailangan umabot sa gan'to ang buhay ko?
Sa katanungang iyon ay na blanko ang utak ko. Wala akong makuhang sagot. Bigla-bigla lang dumating sa ganitong punto ang buhay ko.
Sa ilang saglit ay pumasok sa utak ko ang mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Twins Series 1: Twisted Life ✔️
Romance[Twins series #1] STATUS: COMPLETED Description: What would you do when there's a tall and handsome, but full of dark aura suddenly approach you out of nowhere? He tried to own you, afraid to lose you again, and asked things that you're not even awa...