Tulala ako ngayon matapos kong tignan ang schedule ko sa hospital. Nababahala pa 'ko samantalang si Von ay parang timang na nagpapacute lang sa harap ko. Parang wala lang nangyari kagabi. Tskkk! Kung tuksuhin ko kaya sya sa paiyak- nito kagabi? Taena.Para akong tanga ngayon na tinititigan lang sya ng matalim. Eh kasi naman! Na stress na 'ko sa schedule tapos sya ngayon pa chill-chill lang.
"May nagawa ba 'ko?" Umpisa nya ng di ko talaga sya iniwasan ng matatalim na tingin.
"Yawa ka Von huhu" reklamo ko at tumalikod pa sa kanya. Nandito pa rin kasi kami sa kama nakahiga dahil wala pa akong planong tumayo. Ni maski pagkilos ko ay sobrang hapdi sa pang-upo ko.
"Oh? Bakit?" He even checked me down there pero hinigpitan ko ang pagkapit sa kumot. Nakadamit pang itaas lang kasi ako at brief. 'Yong damit pa ay sakanya kaya sobrang luwag at laki ito sa'kin. 'Tsaka sobrang lamig pa ng aircon nya dito sa loob kaya medyo nawaglit sa isip ko ang magbihis ng shorts.
Actually pinunasan raw ni Von ang katawan ko habang tulog ako kanina. Mamaya nalang siguro ako mag shower dahil ang fresh din naman sa pakiramdam at parang kakagaling ko lang sa pagligo.
"Bakit nga?" Malumanay nya pag ulit na tanong sa'kin. Hinarap ko nalang ito na nababahala ang tingin.
"May duty ako mamayang gabi" umpisa ko na ikinatawa lang ng nya. Jusko! Pa'no ako papasok nito sa hospital? Ang hapdi talaga na parang gusto ko nalang palaging ibuka ang mga binti ko. Baka nga kapag papasok ako sa hospital at makita nilang paika-ika akong kumilos... Ay baka ako pa ipa-admit nila taena.
"Absent ka nalang muna" payo nya sa'kin peri napalingo-lingo lang ako.
"Di pwede" ako.
Napakunot pa nga ang noo nya ng sabihin ko 'yon. Mukang pipilitin ko talaga sarili ko nito na mag duty ehh. Jusko!
"Marami na 'kong atraso sa cheif nurse namin kaya nakakahiya na aabsent na naman ako" patuloy kong paliwanag sa kanya pero 'yong mukha nya ay mas lalo lang di ko maintindihan HAHA! Parang ayaw nya yata talaga akong papasukin eh.
"Eh diba dad mo may-ari ng hospital na pinagtratrabahoan mo?" Paniniguro nya pa. Mukang ito yata ang nasa isip nya kanina pa ng sinabi kong papasok ako kahit anong mangyari.
"Yeah. But it doesn't mean I would tolerate myself to be irresponsible" tugon ko naman. Nakita ko lang syang tumayo at lumapit sa pwesto ko.
"You should not force yourself, Ali" ani nya habang unti-unting namulupot ang kamay sya sa katawan ko at dahan-dahan akong binuhat.
Naalerto pa agad ako kung sa'n nya 'ko dadalhin. At sabi nya lang na kailangan ko na raw kumain. Malapit na raw kasi mag tanghali tapos wala pa ring laman ang tyan ko. Wews! Tatay ko ba 'to para pati pagkain ko ay kailangan nyang mandaran? Tskk! Eh sa di pa ako nagugutom eh. 'Tsaka ang sarap pa kayang nakahiga lang don habang nakatabon ng kumot. Nakakaantok!
Pero di nalang ako umangal at pinabayaan nalang si Von na buhatin ako. Sa totoo nga ay nanibago ako sa ganitong kilos nya. Ibang-iba ang mga naranasan ko ngayon sa mga kwento ni Dennis sa mga nakasiping nito. Dahil ani pa ng kaibigan ko, pagkatapos nilang makuha ang gusto nila ay para lang syang iiwan agad sa silid mag-isa. Minsan nga ay nakakaawa rin si Dennis eh. Patawa-tawa lang 'yan pero matindi rin pinagdaanan nito lalong-lalo na don sa mga unang lalaki nya.
Mabuti nalang talaga ay ibang-iba si Von. He's taking care of me now. Sya 'yong sobrang lasing kagabi pero kung kumilos sya ngayon ay parang wala lang at mas inuuna pa ako.
Nakakapanibago. Dahil never in my life kung inisip o pinangarap man lang na may mag-aalaga sa'kin na ganito. Ang akala ko nga ay ako pa ang mag-aalaga sa mga makakatalik ko kung nagkaroon man noon. But here I am... Na bottom pa ng isang Von Maclein yawa! May pa straight-straight pa akong nalalaman taena! Babayohin lang din pala ako piste!
BINABASA MO ANG
Twins Series 1: Twisted Life ✔️
Romance[Twins series #1] STATUS: COMPLETED Description: What would you do when there's a tall and handsome, but full of dark aura suddenly approach you out of nowhere? He tried to own you, afraid to lose you again, and asked things that you're not even awa...