Chapter 89

41 0 0
                                    

Nasa daan na kami papasok sa school. Mabuti at hindi na ganoon kasama yung panahon. Nakapag charge na din ako ng cellphone at ang daming miscalled at text na galing kay bes at kay mama pati na din kay Kuya. Kagabi pa ito kaya di ko na binasa. Maya maya ay biglang may nag text. Si Mama.
"Asan ka na?" Mag reply nmn ako ng "Papunta sa school. Uwi na ko mamaya dyan."

(Pag dating sa school)

"Beeeeeeees!!!!!!!" Sigaw ni bes ng makita nya ko at niyakap. Para nmn ang tagal nmin di nagkita.

"Kamusta? Ang tagal natin di nagkita ha?" -Nick

Hinampas nya ko at sumimangot. Kita mo to hinampas na ko sumimangot pa.

"Bkt ka ba nag cut kahapon?!" Tanong ni bes. Anong sasabihin ko? Tama ba na sabihin ko na naging nurse ako ng kulugo na yun at dun ako natulog sakanila dahil sa bumabagyo kahapon? Hinde hindi pwede Nick! Magseselos sya! Argh!


"Ah.. A-ano kse masama yung pakiramdam ko kahapon." Pagsisinungaling ko. Sht mali tlaga itong ginagawa ko...


"Ok ka na ngayon?"


"Ah oo."


"Asan na kaya si Bryan? Nakita mo ba sya?" Pagtatanong ni bes sakin. Akala ko nakasunod sakin ang mokong na yun? San nmn kaya nag punta yun?


"Hindi eh. Hindi ko sya napansin." Umiwas ako ng tingin kay bes.

"Hays.. Hindi nanaman ba sya papasok? Ano ba nangyare sakanya? Nagaalala ko sakanya."

"Hindi rin pala sya pumasok kahapon.." Pag sisinungaling ko ulit.


"Oo. Hindi ba kayo nag usap kahapon?"

"Hi-hinde."

That Amazona GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon