Chapter 98

33 1 0
                                    

Iniintay ko si Sophia na lumabas dun sa fitting room na nagsusukat ng dress ng may biglang humila sakin paharap sakanya. Nagulat ako ng makita ko si Bryan.

"B-bryan? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Nasan yung ka-date mo? Kelan ka pa natutong nakipag date ha?" Seryoso yung muka nya habang tinatanong ako. Nainis ako dun sa "kelan ka pa natutong nakipag date ha?" Argh! Minamaliit nya ba ko? Sasapakin ko na talaga sya buiset sya!

"Nasa fitting room sya at teka nga kung makapag tanong ka ng "kelan ka pa natutong nakipag date?" Eh parang minamaliit mo ko! Marunong ako makipag date kahit hindi ko pa nasusubukan!" Inis na sabi ko sakanya. Totoo naman eh, marunong ako makipag date. Natutunan ko yun sa romantic movie na napanood ko nung bored na bored ako. Yung tipong no choice kundi pagtiyagaan panuorin yung corny na palabas na yun at sakto may dating scene dun kaya nalaman ko na ganun pala.

"Then date me para malaman ko kung totoo." Nabigla ako ng sabihin nya yun sakin. At nabigla ako ng ilapit nya yung katawan nya sakin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang nagwawala sya parang sasabog. Namumula rin at nag iinit ang mga muka ko. Nakatingin na yung mga tao dito sa shop argh! Nakakahiya!

"Nico-" napalingon kami sa nagsalita at si Sophia.. Agad ko syang tinulak at napalunok. Halata sa muka ni Sophia na gulat na gulat sya at parang nasaktan sya? Arrgh! Kasalanan mo to Bryan! Kaasar!

"Ta-tapos ka na-napala." Nauutal na sabi ko.

"Oo pero parang ayoko ng bilin." Malamig na sabi nya. Kinakabahan ako sakanya. Malamang nagtataka sya kung bkt ganun kami kanina. Hindi ko alam ang sasabihin sakanya. Natatakot akong sabihin sakanya yung totoong nangyare. Natatakot din ako na makahalata syang may gusto kay Bryan..

"Ba-bakit naman? Maganda naman eh hehe.." Pilit na tawa ko. Anong araw ako nagandahan sa isang dress?

"Nawalan ako ng gana. Bryan bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni Sophia kay Bryan.


"Ah ano nandito talaga ko kanina pa at nakita ko sya kaya lumapit ako. Hindi ko nga nakita na kasama ka pala nya. Sagot ni Bryan.

"Ahh oo nga eh, sobrang lapit nga hahaha." Pilit na tawa uli ni bes. Napaiwas ng tingin si Bryan. Sobrang awkward ng carbon dioxide dito. Gusto ko na magpakain sa kailalim-laliman ng lupa.

"Ahh ano ma-may bibilin ka pa dito Sophia?" Pag gawa ko ng topic dahil super awkward talaga. Feeling ko nga nakikinig na din yung mga sales lady dito haru juskooo.


"Ah wala na. Ikaw Bryan? May pupuntahan ka ba? Kung gusto mo sumama ka na lang samin ni Nicole hehe." Pag-aaya ni Sophia.


"Ahh o-ok lang ba?" -Bryan

"Oo naman, diba Nicole?" Napalingon ako kay bes at tiyaka tumingin kay Bryan at tumango tapos inirapan ko sya nung hindi na nakatingin si bes. Nag-lakad na kami palabas ng shop at naisipan ni bes na kumain. Mabuti nmn dahil gutom na ko knina pa. Ang dami kaseng pinamili ni Sophia eh.

"San nyo gusto kumain? Treat ko." Sabi ni Bryan. Dadamihan ko talaga ang pag order tss..


"Uhmm.. Wala kung maisip eh. Ikaw Nicole?-Sophia

"Ah ano wala din eh. Ikaw na lang ang bahala." Sagot ko.


"Sige." -Bryan

Nandito na kami ngayon sa isang restaurant at namimili kami ng kakainin sa menu. Nakapili na si bes ng order ako na lang ang hindi.

"Ano sayo Nicole?" -Bryan

"Uhmm.. Garlic chicken, dalawang rice, pasta, fries at sundae at pepesi." Sinadya ko talagang damihan yun para magbayad sya ng mahal buiset sya.


"Ka-kaya mong ubusin lahat ng iyon?" Tanong ni Bryan saken.

"Oo kung tutu-usin nga kulang pa sakin yun kaso nahiya naman ako sayo eh." Inirapan ko sya at napa iling na lang sya. Pasalamat sya hindi ko tinodod tss..

"Grabe ka talaga bes hahaha!" Tinaas ni Sophia ang kamay nya at nakipag apir ako sakanya at tumawa. Tumawag na si Bryan ng waiter at sinabi yung order namin. Tahimik lang kami na nag iintay sa pagkain namin ng mag-salita si Bryan.


"Ano nga pala ang ginagawa nyo dito?" -Bryan

"Malamang nag sho-shopping hindi ba halata? Tss." Sabi ko at irap sakanya.


"Hindi ikaw ang tinatanong ko, si Sophia." Naka ngising sabi nya saken. Argh! Ang sarap nyang batuhin ng mga pinag bibiling damit ni Sophia eh!

"Dalawa kase kami dito kaya kung pwede linawin mo ok?" Irap ko sakanya.

"Ewan ko sayo tss!" -Bryan


"Ewan ko rin sayo tse!" -Nick

"Aiish tama na nga yan." Pag awat samin ni Sophia.

"Sya yung nanguna noh tss.." Inis na sabi ko. Mag-sasalita pa sana si Bryan pero dumating na yung order kaya natahimik na lang sya. Nag kwe-kwentuhan sila ni Sophia habang ako na out place dito kaya binabara ko na lang sya sa bawa't pinag sasabi nya kay Sophia.

"Alam mo kanina ka pa dyan. Palinhasa na o-op ka." Sinamaan ko sya ng tingin at sya nmn naka ngisi at umaalog ang katawan pati rin si bes na nag pipigil ng tawa.


"Wala akong pake kung na o-op ako dito ang pakay ko dito pagkain! Mag-sama nga kayo tss!" sabay tusok ko sa garlic chicken na lasog lasog na dahil sa inis ko.

That Amazona GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon