Nakasakay na ko sa kotse ni Kuya. Papasok na ko kahit may lagnat pa ko ewan pero gustong gusto kung pumasok siguro dahil ayoko ma skip yung mga lessons,seatworks etc. tss..
Maya-maya lang nasa school na ko. Bumaba agad ako ng kotse at pumasok na sa campus. Hinanap ko agad si bes pero hindi si bes ang una kung nahanap. Si bryan. Haiist kaasar!"Ui tomboy! Magaling ka na?"
"Aga-aga nang-aasar ka eh -_____-"
Hinipo nya yung noo ko.
"May lagnat ka pa ah. Bakit pumasok ka na agad?"
"Ewan basta gusto ko ng pumasok."
"Namiss mo lang ako eh tss.. Hindi mo kase nakita kahapon yung pogi kung mukha."
"Yabang talaga kahit kelan tss..."
Aalis na sana ko para hanapin si bes pero hinawakan nya yung kamay ko. Hindi nanaman ako mapakali feeling ko nanginginig yung mga tuhod ko grabe yung puso ko abnormal nanaman aiiish!!!
"Wala pa si Sophia. Sumama ka muna saken. Pls?"
Hindi ako makasagot sakanya kaya bigla na lang nya kung hinatak at dinala sa cafeteria. Aiish naalala ko nanaman yung kagabi ano baaaa???? Alam nyo bang hindi ako nakatulog ng maayos ng kakaisip dun lechugas!
"Nag breakfast ka na?"
"Oo."
"Ako hindi pa. "
"Tinatanong ko ba?!"
"Tss.. Sungit neto! May gusto ka bang kainin?"
"Kape na lang."
"Cge. Upo ka muna dyan,babalik ako."
Pumila na sya dun at bumili ng makakain nya at nung kape ko. Maya-maya bumalik na sya.
"Kape mo.."
"Asan si Drake?"
"Natutulog sa may garden"
"Ah.. Ok."
"Di ka ba na bo-boring kapag kasama si Drake?"
"Medyo pero hindi naman na sya kagaya dati na sobrang tahimik at may sariling mundo. Ngayon kase nag ku-kwento na sya at madalas na syang tumawa pero hindi pa rin talaga nawawala sakanya yuny pagkakaron ng sariling buhay."
"Ah.. Siguro sayo lang sya ganun. Nung mag-kasama kase kami napaka-tahimik nya."
"San ba kayo gumawa?"
"Sa kwarto nya."
Ngumiti naman ng nakaka-loko ang lalakeng to tss... Alam ko na iniisip nya leche!
"Umayos ka nga! Baboy moo!!!"
"Bakit? Wala naman akong sinasabi ah? Hahahahahahahaha"
"Walang sinasabi... Tss... Manahimik ka na nga lang at bilisan mo!"
"Opo hahaha."
BINABASA MO ANG
That Amazona Girl
RomanceIsang amazonang babae na makakatagpo ng isang lalaking ubod ng kapogian/ka-cutan at ubod ng YABANG. Paano kung ang bestfriend mo eh may gusto din sa taong gusto mo? Ano ang gagawin ni Nick? Iiwan ang bestfriend nya at sasama sa taong mahal nya o Ba...