Naka-upo ako sa bench kasama si Drake.
"Nasan na ba yung amazonang yun?"
Tanong ko kay Drake.
"Baka late lang."
"Tss.."
"Hindi sya pwedenh umabsent dahil na sakanya yung ginawa namin."
"Oo nga pala. Asan na si Sophia?"
"Ayun brad o kakapasok lang."
Agad namang tumakbo si Sophia papunta samin.
"Hi guys! Drake pinabibigay ni Nick. Sorry daw dahil di sya makakapasok."
"Tss.. Ang babaeng yun."
Sabi ni drake sabay kuha sa ginawa nila.
"Bakit daw hindi sya makakapasok?"
"Nilalagnat."
"Sabi na nga ba eh tss.."
"Ha? Ano sabi mo Bryan?"
"Ah wala."
"Hindi pa kayo papasok sa classroom?"
"Mamaya pa."
"Ah ok. Mamaya na lang din ako papasok. Wala kung kausap dun wala si bes eh."
"Sumama ka na lang muna samin."
"Talaga?!"
Lumiwanag ang mukha nya. Napaka ganda talaga ni Sophia.
"Yeah."
"Salamat!!"
Umupo sya sa tabi ko at nag kwentuhan kaming tatlo ng kung ano-anong bagay hanggang sa napunta kay Nick yung topic.
"Tomboy ba si Nick?"
Tanong ni Drake. Naalala ko tuloy kapag nag-tatanong ako sakanya kung tomboy ba sya o kaya sinasabihan ko sya ng tomboy naiinis sya namumula sya o kaya sinasapak nya ko. Hindi ko makalimutan nung unang beses nya kung suntukin hahaha!
"Sabi nya saken hindi naman daw sya tomboy talagang ganun lang talaga sya kumilos. Amazona kung baga. Naku drake kung sakanya mo tinanong yun sasapakin ka nun. Daig pa lalake kung manapak yun hahaha!
"Sinabi mo pa hahaha!"
Sabi ko tapos nag-tawanan kami hahaha. Maya-maya lang ay pumasok na rin kami sa klase namin.
BINABASA MO ANG
That Amazona Girl
RomanceIsang amazonang babae na makakatagpo ng isang lalaking ubod ng kapogian/ka-cutan at ubod ng YABANG. Paano kung ang bestfriend mo eh may gusto din sa taong gusto mo? Ano ang gagawin ni Nick? Iiwan ang bestfriend nya at sasama sa taong mahal nya o Ba...