Chapter 4

250 3 0
                                    

Bryan's Point of View

Nagulat ako ng bigla akong sapakin ng babaeng yun. Pano kase sinabihan nya ko ng mayabang kaya sinabi ko sa bespren nyang si Sophia na "Sophia pag-sabihan mo yang kaibigang mong tomboy" tapos papasok na sana ko ng room ng hawakan nya yung braso ko at hinarap nya ko sakanya at sinapak. Nagulat si Sophia sa ginawa nya. Nag-dudugo yung tagiliran ng labi ko habang itong si Drake eh tahimik lng na nakatingin sa babaeng yun. Tss.. Nagkamali sya ng ginawa nya saken. Patay sya sa mga fans ko dito sa school tss...

"What's the reason Ms.Reyes? Bakit mo sya sinapak?"

Tanong ng principal.

"Kase po yang lalakeng yan sinabihan ako ng tomboy eh hinde naman ako tomboy!! Eh kayo kaya Maa'm sabihan ng ganun hinde ba kayo maiinis? Tss.."
Tapos inirapan ako tss..

"Tss.. Ikaw ang nag-simula nito eh"

Sabi ko

"Huh?! Anong ako?! Mayabang ka na nga ang kapal pa ng mukha mo!!"

"Bakit totoo naman ah?!"

Pinalo nung principal yung lamesa nya.

"Nasa harap ko na nga kayo nag-aaway pa kayo! Mga wala ba kayong hiya?!"

Nagulat ako sa sinabi ni maa'm maski cguro yung babaeng yun ay hinde ng tomboy na yun nagulat den. Kaya natahimik kami.

"Parehas kayong may detention. You may go out on my Office"

So lumabas naman kami ng Office. Pupunta sana ko sa kaliwa at sya pakanan pero nagkatinginan kami. Tinignan nya ko ng masama at syempre ganun din yung ginawa ko. Tss.. Di ako papayag na ganunin nya ko noh. Tss..
Nakita ko si Drake na naka-upo sa gilid.

"Kanina ka pa ba dyan?"
Tanung ko.

"Yeah"

"Mauna ka na sa klase mo. Pupunta lng ako ng clinic. Aiish kaasar!!"

Pumunta na ko ng clinic at nagpagamot dunsp sa nurse.

That Amazona GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon