Chapter 57

73 0 0
                                    

"Ui Nick.."


"o?"

Sabi ko habang naka harap sa TV.

"Post mo muna CR lang ako."


"O cge."


Bumaba na sya ng kama at nag punta sa CR.

"May aswang na lalabas dyan ingat ka!"


Nagulat naman ako dahil dali dali syang lumabas ng banyo at nag tata-takbo palapit saken. Nayakot WAHAHAHAHA


"KASE NAMAN NICK EH! MANAKOT KA PA! KITA MONG MATATAKUTIN AKO EHH!!!!!"

"Ok sorry na po. Mag CR ka na dun baka maihi ka pa dto."


"Samahan mo ko!"


Ano raw? Paki ulit nga yung narinig ko? Samahan ko sya? Punyeta gusto nya masapak ha?!!!!


"HOY BRYAN SMITH KABABUYAN MO HA UMAYOS KA SISIPAIN KITA!!!!!!"


"Joke lang gumaganti lang po!"

Tumalikod na sya at dumiretso sa CR. Tss.. Sapakin ko to eh kainis!
Maya-maya lang eh lumabas na sya.

"Bkt may CD ka ng mga nakakatakot kung ayaw mo ng mga ganitong palabas?"

"Hindi naman saken ang mga yan eh."


"Ah eh knino?"

"My sister."


"Ah ok.."


Nanood na uli kami kaya nanahimik kami. Tahimik lang syang nanonood tapos minsan napapatakip sya ng mata nya tss.. parang bakla eh tapos minsan napapakapit sya saken kapag nagugulat. Nung dun sa part na may mang-gugulat yung nakaka-tense na part nilalakasan ko ng bongga yung volume lara takutin sya hahahaha!!!!!!


"HINAAN MO KASE MASYADO KUNG NA TE-TENSE!!!!"


"Ok na yan para masaya."


"Akin na nga yung remote!"


"Ayoko nga bleeeh!!"


Nilalayo ko yung remote habang pilit nyang inaagaw yun saken hanggang sa ang lapit ng muka nya sa muka ko. Napatigil din ako sa pag layo ng remote at napalingon sya saken at kung kanina gilid lang ng muka nya nakikita ngayon buong muka na naku po jusme isa galaw lang sakanya mag ki-kiss na kami jusme bkt ganto? Bkt nag wawala yung puso ko? Ang wild nya sht ano nanaman to? Nakatingin lang kami sa isa't isa walang kumukurap sht anu baaaa?!!!!!!!!!
Naputol yung titigan na yun dahil nag ring yung phone ko kaya lumayo na sya saken at sinagot ko yung phone ko. Si mama.

"Hello ma."

"Anak aalis muna kami ng Papa mo ha?"

"San punta nyo ma?"


"Mag-lalakwatcha hahaha! Mga isang linggo kami anak."

"Isang linggo? Kayo lang? Hindi ako kasama?!"

"Kami lang dalawa ng Papa mo anak. Date ito anu ba anak ngayon na nga lang kami makakapag-date ng papa mo eh!"


"So kami lang ni Kuya maiiwan sa bahay?"


"Oo anak."

Si papa yung sumagot.

"Pero anak wala ang Kuya mo ngayon dito sa bahay nag paalam sya na mag sle-sleep over sya sa mga kabarkada nya kaya ikaw lang ang mag isa sa bahay mamaya."

"K fine. Pa nag iwan po ba kayo ng pera?"

"Oo anak. Nasa drawer mo."


"Cge pa. Ingat."


"Bye anak. I love you!"


Binaba ko na yung phone so awkward kse ang tahimik so naisipan kung mag paalam na para umuwi.

"Ah Bryan uuwi na ko ha?"

"Ha? O cge. Hatid na kita."

"Si-sige."


Nagulat ako ng makarating kami sa baba nila. Nakita ko yung Daddy nya at yung babae na.... Nag lalandian... Bata pa yung babae siguro mga 2nd year college pa lang sya. Maganda sya at matangkad,maputi pa. Nag bow ako sa Daddy nya para rumespeto. Nag iba yung reaksyon ni Bryan ng makita nya yung Dad nya na may babaeng kasama.


"Mukang may girlfriend ka na anak ha.."

Napangisi yung dad nya. Malamang ako yung tinutukoy ng Daddy nya. Nagkaka mali sya hindi nya ko girlfriend.


"Wag mo kung tawaging anak."

Napalingon ako kay Bryan ng masabi nya yun. Hindi nya dapat sinabi yun sa Daddy nya tssk..


"Bryan!"

Nasigawan ko sya bigla kaya napatingin sya saken. Tinignan nya lang ako at hinila palabas ng bahay nila.

"Hindi mo dapat sinasabihan ng ganun yung Daddy mo kahit galit ka sakanya!"

"Pwede ba?! Wag ka makealam?! Problema namin to!"

Nabigla ako sa sinabi ni Bryan, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko yun. Ito ang unang beses na ginanun nya ko. Tinutulungan ko lang naman sya eh!

"Tama dapat hindi ako nangengealam. Pero hindi mo dapat ginawa yun tatay mo sya kaya dapat respetuhin mo pa rin sya kahit na anong mangyare."

Tinalikuran ko na sya at umalis na. Bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko.

Naglakad na ko palabas ng Subdivision at nagintay ng taxi na dadaan.

That Amazona GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon