Chapter 94

27 2 0
                                    

Nasa Icecream house kami ng biglang tumawag si Mama. Pagtapos kase nmin kumain dun sa restaurant ni tita naisipan nmin na kumain ng icecream kaya nandito kami at kumakain ng masarap na icecream hihi.

"Ma?"

(Nasaan ka?)


"Nasa Icecream house. Uuwi na ko pagkatapos namin kumain."


(Kasama mo ba si Bryan? Yung boyfriend mo?)


"MAMA HINDI KO SYA BOYFRIEND WAG KAYONG MANIWALA SAKANYA!" Iritadong saway ko kay Mama.


"Boyfriend po nya ko tita!" Pinanlakihan ko sya ng mata at akmamg aambahan ng suntok ng pagbantaan nya ko letche yung banta nya nakaka baliw!


"Sige manapak ka hahalikan kita." Pag babanta nya saken sabay ngumisi. Sa bigla ko nakalimutan kung kausap ko si Mama.


"Ma usap na lang tayo mamaya sa bahay ha?" Agad kung binaba yung tawag at pinag sasapak yung braso ng hudas na to. Sobrang pula at ang init ng muka ko ngayon. Nakaka baliw.


"Awwww! Araaay! Masakit yun aray!" Daing nya habang pinag sasa-sapak ko sya ginantihan nya ko ng kiliti sa tagiliran kaya napatigil ako sa pag sapak sakanya. Wala kaming ginawa kundi mag harutan dun natunaw na tuloy yung icecream ko kaya nagpa bili pa ko sakanya HAHAHA!


"Napaka takaw tss." Sinamaan ko lang sya ng tingin at patuloy sa pagkain ng icecream.

That Amazona GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon