Nag iimpake ako ng mga gamit ko dito sa kwarto ko at kasama ko si bes. Dito sya matutulog dahil bukas na ang alis namin.
"Mag swim suit ka na kase bes." -Sophia
"Akala ko ba tapos na tayo dito?" -Nick
"Minsan lang nmn eh.." -Sophia
"Ayoko talaga Sophia. Ok na ko sa t-shirt at short. Yun lang ang isusuot ko wala ng iba." Sabi ko kay Sophia at napa simangot na lang sya. Naalala ko tuloy yung nangyare kanina. Sana hindi na nya banggitin yun habang buhay. Sana talaga. Please lang ayokong pag-usapan yun.
"Nicole.." Tawag ni Sophia.
"Hmm?" Sagot ko habang nag-lalagay ng mga gamit ko sa maleta.
"A-ano ba yung nangyare kanina?" Napatigil ako kinabahan. Kakasabi ko lang na wag nya banggitin yun habang buhay pero wala eh. Anong sasabihin ko sakanya? Isip Nick! Mag-isip ka ng matinong dahilan! Argh! Yang Bryan na yan talaga!!!
"Nicole." Napalingon ako kay Sophia.
"A-ano n-nang t-trip lang yun kaya ganun. Minsan naiinis na ko dun at nasasapak ko na. Sasapakin ko na nga sana yun kanina eh. Argh! Wag na nga natin yan pag-usapan naiinis lang ako eh!" Sht parang walang kwenta yung dahilan ko. Tanga ka talaga Nicole Allison Reyes! Argh!!
"Ahh. Sana ganunin nya din ako.." Napalunok na lang ako at bumalik sa pag aayosng gamit ko. Ng matapos ako mag impake nahiga na kami sa kama at matutulog na pero madaldal si bes dahil kinakausap pa rin ako. 10:00 na at 1:00 ang alis namin.
"Excited na ko bukas hahaha." -Sophia
"Hindi nga halata eh. Matulog ka na dahil maaga tayong aalis."
(Pag-sapit ng 12:00 ng umaga)
Nagising ako ng mag ring yung alarm clock ko. Nagising din si Sophia.
"Mauna ka ng maligo?.." Matamlay na tanong ko sakanya. Inaantok pa ko..
"Ikaw na lang muna, susunod ako." Sagot nya at nahiga ulit. Dumiretso na ko sa CR at naligo. Matapos kung maligo sumunod naman sya. Lumabas muna ko ng kwarto at bumaba.
"Gising ka na pala Nicole. Si Sophia ba gising na?" Tanong ni Mama.
"Naliligo na Ma." -Nick
"Gusto mo ba mag-break fast?" -Mama
"Ayoko ma. Ay ma kakasya ba tayo sa kotse ni Kuya?" Tanong ko kay Mama. Madami kaseng sasama eh. Yung mga kaibigan ni mama tapos kami eh maliit lang yung kotse ni Kuya eh.
"Dalawang kotse yung gagamitin natin. Yung kotse ng kuya mo kami ang sasaky dun. Ako mag d-drive kasama yung mga tita mo." Sagot ni mama.
"Ahh tapos yung isang sasakyan kami nila Kuya at Sophia ganun?" -Nick
"Oo tama ka." -Mama
"Eh san nyo kinuha yung isang sasakyan eh isa lang nmn ang kotse natin?" -Nick
"May kasama kase ang Kuya mo sakanya yung sasakyan na yun." Sagot ni mama. Ahh baka yun yung sinasabi ni Kuya na kaibigan nya daw. Na-curious ako bigla dahil nung sinabi yun ni Kuya iba yung ngiti nya sakin. Argh! Malalaman ko rin yun tss!
BINABASA MO ANG
That Amazona Girl
RomanceIsang amazonang babae na makakatagpo ng isang lalaking ubod ng kapogian/ka-cutan at ubod ng YABANG. Paano kung ang bestfriend mo eh may gusto din sa taong gusto mo? Ano ang gagawin ni Nick? Iiwan ang bestfriend nya at sasama sa taong mahal nya o Ba...