Chapter 97

29 0 0
                                    

(Nakikipag date ako ngayon kaya wag kang istorbo ok?!) halos maluwa ko yung mata ko sa pagkagulat ng marinig ko yung sinabi nya. Nakaramdam ako bigla ng inis at nangati akong puntahan sya para pigilan sya. Sa tono ng pagkaka sabi nya seryoso sya at naiinis pa nga eh. Sino nmn ang ka-date ng babaeng yun? Kelan pa sya nakipag date? Babaeng babae na ba sya? "Ano sabi mo? Nakikipag date ka? Kelan ka pa nakipag date?!" Nanggigil ako sa pag t-type nyan na parang halos mabubutas itong screen ng cellphone ko. Kainis! Sa inis ko hinagis ko lang yun sa kung saan sa kwarto ko.

"Aiish! Nakakasar! Hanapin ko kaya sila? Tapos pigilan ko? Argh! Wala lang karapatan Bryan! Hindi kayo! Pero si Nicole? Si Nicole na amasona nakikipag date? Arrrggh!!!" Inis na inis kung kinakausap ang sarili ko dito sa kwarto ko ng biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ko. Muntik na nga ko mapatalon sa gulat at kahihiyan? Kahihiyan dahil kinakausap ko ang sarili ko at baka... Baka narinig ni Stephen yun at ni Drake? Anong ginagawa ni Drake dito? Bakit hindi sya nag sabi saken na pupunta sya?


"Kumatok nga kayo minsan nakaka gulat kayo eh! Drake ano ginagawa mo dito?" Naiinis na wika ko sakanila. Nagkatinginan silang dalawa at parang nag uusap sila sa mga tingin nila at nakangiti pa ang dalawa. Bigla silang tumingin saken at nginitian ako ng nakakaloko. Hinagis ko sakanila yung dalawang unan at nasalo nila yun ng maayos putcha.


"Who's that girl bro?" Tanong ni Stephen sakin habang ngiti ngiti saken. Ang creepy ng smile putek.

"Sinong babae?" Ok maang maagan lang Bryan.. Kaya yan..

"Kelan pa bro? Bakit wala akong alam ha?" Pang uusisa ni Drake.


"Ano ba pinag tata-tanong nyo? Hindi ko kayo maintindihan tss.." Umiwas ako ng tingin sakanila at nilaro laro yung cellphone ko. Akala ko makaka ligtas ako sakanila pero hindi. Nahuli na ko. Kainiiiis!


"Hahaha! Nag dadalaga na ang pinsan ko may pinag papantasyahan na hahahaha!" Pang aasar ni Stephen. This time binato ko sya ng libro at boom sapul sa muka! Haha!


"Tama lang yan sayo baliw!" Umiling nmn si Drake.


"Kung ako sayo bro hanapin mo sila kase baka maunahan ka pa." Naka cross arm na sabi sakin ni Drake.


"Bahala ka bro kapag naunahan ka. Kawawa ka. Wag ka iiyak kapag nanunahan ka." Sinamaan ko na lang ng tingin si Stephen at tumawa nmn ito ng malakas.


"Alis na bro dali!" Sambit ni Stephen. Agad kung dinampot yung cellphone at susi ng kotse ko at nag mamadaling umalis ng bahay. Tinawagan ko uli sya pero pinatayan ako nakakainis! Humanda sya pag nahanap ko sya. Saan mall nmn kaya sila? Baka dun sa pinuntahan namin? Hindi masama kung susubukan ko silang hanapin dun. Lagot saken yung lalakeng kasama nya! Maya-maya ay nakarating nako sa mall at agad na pumasok at nag simulang maghanap. Medyo malaki ang mall na ito at mahirap silang hanapin.. Nag simula ako sa 1st floor pero wala akong Nicole na nakita. Umakyat ako ng escalator papuntang 2nd floor pero wala rin. Next ay 3rd floor. Wala din. Shit Nicole nasan ka na? Umakyat ako ng 4th floor pero parang wala sila. Aakyat sana ko ng 5th floor ng makita ko sya dun sa isang shop dun sa may 4th floor. Shit kailangan ko makababa agaaaaad! Nag babalak na kung lumipat sa katabinh escalator pababa. Putcha ang tagal ha! Ng hindi ko na matiis ay lumipat na nga ko sa kabila wala na kung pake kung pag tinginan nila ko or what basta mahanap ko si Nicole at yung lalakeng ka date nya.. Tss tapos saken yun. Nakababa na ko at mabuti nandun pa rin sya sa shop na yun at nakatalikod. Naka t-shirt at maluwang na pantalon. Hays.. Nasan ang kasama nya? Baka nag susukat ng damit? Agad akong pumasok sa shop at hinarap sya sakin. Nanlaki ang mata nya ng makita nya ko.

That Amazona GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon