Yani's Team

129 8 0
                                    

Chapter 20

"Uhm hindi kasi ako makakasali sa grupo mo," huling saad ni Elesa.

Nagulat kaming lahat. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Kasi ano, marami pa akong gagawin mas lalo na ngayong assistant ako ni Prince Zoltar."

"Pero pumayag naman siya nung kinausap natin siya. Hindi ba pwedeng parang 'holiday off' mo ito?"

"Ah actually, kinausap ako ni Prince Zoltar kanina at nagbago raw ang isip niya kaya yun. Hindi ko naman siya pwedeng itanggi"

"Ay ganun ba." Talaga lang hah Prince Zoltar. Hay naku. Wala naman akong magagawa kasi prinsipe siya.

"O sige kung yun nga talaga ang sinabi niya. Hanap na lang ako ng papalit sa iyo."

"Pasensya ka na hindi ko nasabi agad pero since na-mention mo naman kanina, bakit hindi mo subukan yung fire girl na nakilala mo?"

Napaisip ako bigla. Oo nga noh. Siya na lang kaya kahit alam kong mababa ang pag-asa na sumali siya.

"Oo nga. Maganda yun. Para makilala namin siya" masayang sabi ni Femme.

"Sige. Siguro siya na lang," malumanay kong sagot. "Salamat sa pagpunta mo Elesa."

Nginitian niya ako. "Sige. Alis na ako. Good luck," sabay naglakad siya paalis.

"Bye Elesa," paalam ni Femme habang kumakaway. "Ingat."

Agad namang napatayo si Callie at naglakad paalis. "Don't tell me pati ikaw din Callie," sabi ko agad kaya siya napatigil. "Sinabihan ka rin ni Jethro?"

"Jethro?" nagtatakang tanong ni Jessy. "Sino yun?"

"Oo nga. Ang alam ko lang ay yung Prince Jethro na prinsipe ng yelo" sabi naman ni Kyrie.

Nagulat ako. Oo nga pala. Bakit lagi kong nakakalimutan na dapat may prince bago sabihin ang pangalan niya?

"Ah sabi ko nga. Si Prince Jethro, assistant siya ni Prince Jethro," paliwanag ko.

"Ah si Prince Jethro," sabi naman ni Jessy.

"Mali ka ng iniisip Yani," sabi naman ni Callie kaya napatingin kami sa kanya. "Pumayag ang mahal namin prinsipe na sumali ako sa grupo mo kaya hindi ako aalis ng grupo. Kailangan ko lang bumalik ngayon dahil marami pang gagawin ang aming prinsipe kaya iniisip ko na kailangan niya rin ng tulong ko. Ipapaalam ko na rin sa kanya na buong linggo ay magprapraktis ako."

"Ah okay," nakahinga ako ng maluwang. "Buti naman kung ganun. Akala ko maghahanap pa ako ng isa."

"Sige. Maiwan ko na kayo," malamig na sabi ni Callie sabay naglakad din siya paalis.

"Grabe. Nose bleed ako sa sinabi niya. Ang deep ng Filipino niya," sabi ni Jessy.

"Siya pa," sagot naman ni Kyrie. "Assistant ng Ice Prince yan at sa pagkakaalam ko Pilipino rin siya, hindi ba?"

"Oo Pilipino siya," sagot ko naman.

"Talaga?" hindi makapaniwalang sagot ni Kyrie. "Hula ko lang yun. Ano yun Yani, nakakausap mo ang manhid na yun?"

Napatigil ako sa sinabi niya.

"Ang bad mo naman para sabihin yan Kyrie" parang bata na sabi ni Femme.

"Totoo naman eh," sagot ni Kyrie. "Minsan nga nadapa ako tapos sakto naglalakad siya pero dinaanan niya lang ako. Natapilok ako nun kaya ang sakit ng ankle ko. Hindi man lang niya ako tinulungan papunta sa hospital."

"Baka kasi akala niya nagbibiro ka lang para makuha mo ang atensyon niya," sabi naman ni Jessy.

"Heh. Huwag ka nga. Wala ka nung oras na yun kaya hindi mo alam" sagot naman ni Kyrie.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon