Earth Cabin

150 8 0
                                    

Chapter 9

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata bago ako bumangon at humikab. Umaga na pala. Napatingin agad ako sa pinto.

Wow parang unang beses na walang nambulabog sa akin sa umaga. Sino kaya magiging tour guide ko ngayon? Siguro wala pa siya o baka naman busy siya? Prinsipe sila eh. Di bale. At least ngayon mas maaga ako sa kanila.

Umalis ako agad sa kama at nag-ayos. Habang nagsisipilyo ako, bigla ko na lang naalala ang nangyari kahapon.

Sumasakit pa rin ang dibdib niya ng biglaan at kailangan kong malaman kung bakit. Kung sino man ang tour guide ko ngayon, tatanungin ko talaga siya.

Pagkatapos kong mag-ayos, binuksan ko ang pinto para tignan kung nandyan na ba ang tour guide at mukhang andito na nga siya.

"...yeah, I'll deliver it."

"...Yes. I'm working on it. Maybe later I'll be able to finish it"

"...Of course..." sabay lumingon siya sa akin at nagulat. "Oh, I need to hang out now. I have something to do"

"...Yes, yes later. Bye," sabay tinapos niya ang tawag at binulsa ang phone.

Bumungad ang isang prinsipeng may katawag sa telepono sa harap ko, si Prince Edmondo. Napatitig muna kami sa isa't isa nang bigla siyang ngumiti sa akin.

"Good morning Yani," bati niya.

"Uhm uhh hi. Good Morning. Did I bother you?" tanong ko.

"No it's fine. It's just a call from a customer," sagot niya.

"Uhm okay. I think that must be important so you can take care of that first, I wouldn't mind. I'm fine if we move this tomorrow."

"No, it's not urgent and I have to fulfill my responsibility with you first. That can wait."

"Okay," sagot ko na lang.

"So let's go," alok niya.

Naglakad kami papunta sa Earth Cabin. Sobrang awkward talaga simula nung kanina hanggang dito sa paglalakad kasi wala ni isa ang nagsalita. Maririnig mo lang ang yapak ng mga sapatos namin. Sa lahat ng nakilala ko, siya na ata ang pinaka abala na prinsipe.

Mayamaya, tumigil din kami sa harap ng isang malaking bundok na may kweba sa baba. Galing naman nito. Siguradong ito ang entrance.

"So here we are. Here," sabay may inabot siyang paper bag sa akin.

"What is this for?" kinuha ko ito at tinignan kung anong laman at kinuha ito... "Wig?" tanong ko habang hawak-hawak ito.

"Wear it. Earth people like me are conscious of what we wear and look like. If you won't wear that, they might think you are an intruder."

"Really? Earth people are like that?"

"Well, some of them but others don't really mind."

"Oh," sabay sinuot ko ang wig. Brunette siya na straight. Saktong haba para sa buhok ko pero sa tingin ko, hindi lang mga 'earth' people ang ganun. Bawat cabin ata eh pero dahil sa utos niya, e di magsuot ng wig.

"Let's begin," sabi niya sabay pumasok kami sa kweba.

Pagkarating namin sa dulo,

"So Welcome to the Earth Cabin."

Kung normal na tao lang ang nasa lugar ko ngayon, parang normal na siyudad lang siya pero dahil sa hindi ako normal, masyado akong namamangha sa lugar nila.

May mga halaman pero walang mga puno. Ang mga gusali, bahay at kahit ang mismong bubong ng mga ito, gawa sa bato. Iba't ibang kulay nga lang pero bato pa rin. Grabe, ang tigas naman ng lugar na ito.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon