Strange Things

309 18 3
                                    

Chapter 1

"Ngayon ay ikatlong araw ng Oktubre sa taong 2015, at nandito ako ngayon sa aking pinagtatrabahuan. Ako'y nag-aaral palang sa high school pero ito ako ngayon, isang waitress sa isang karenderya..."

"Yani..."

"Wala eh. Kailangan kong gawin ito para mabayaran ang tuition fee ko sa paaralan, pero siguro ito na talaga ang trabaho para sa akin. Mukhang mabait naman ang boss ko..."

"Yani..."

"Sinisigawan ako pag na-la-late galing sa school o di kaya pag may konting pagkakamali, pinapahugas ka ng kabundok na hugasan, pinapalinis ang kanilang CR at mapipilitan kang ngumiti sa harap ng mga customer kahit pagod ka na. Hayaan mo, sanay naman na ako pero yun lang ang inaakala ko dahil mayamaya—"

"YANI!"

"Ay anak ng palaka!" gulat kong saad at hinarap ang tumawag ng pangalan ko.

"Anong sinusulat mo diyan?! Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" galit na mga tanong ni Aling Nena. Well, pasensya na Aling Nena. Alam kong boss kita pero kailangan ko ring sulatan ang journal ko eh.

"Opo nakikinig po ako," sagot ko naman.

"Eh ano pang hinihintay mo diyan. Magpalit ka na at umalis rito sa karenderya ko! Sesante ka na."

Imbis na magulat, naglabas na lang ako ng buntong hininga at ginawa ang sinabi niya.

"Kamalasan lang dinadala mo rito," huli niyang saad bago ako tuluyang nakaalis.

Alam ko po yun. Hay, hanap na naman ako ng bagong trabaho mamaya, ano pa bang bago.

Alam kong hindi ako tumatagal ng dalawang linggo sa isang karenderya pero anong magagawa ko. Fourth year high school palang ako at malapit na mag-graduate pero baon ako sa utang kaya kailangan ko ng perang pagkikitaan. Balak ko pa namang mag kolehiyo.

Dahil sa wala naman na akong ibang mapupuntahan, pumunta na lang ako sa paaralan. Buti na lang recess time na. Naglalakad palang ako papasok, marami nang nagbubulungan.

"Siya ba si Yani?"

"Oo bakit? Ano bang meron sa kanya?"

"Sabi nila dati biglang may apoy na lumitaw sa kamay niya tapos may nakakita na lumulutang din yung tubig sa kamay niya."

"Naniwala ka naman dun. Paano mangyayari yun? Isa lang siyang normal na studyante rito."

Normal? Kailan pa naging normal na magkaroon ng kapangyarihang kontrolin ang apoy, tubig, hangin, lupa, kuryente, mga halaman, metal at yelo?

Hindi ako normal, at dahil doon hindi rin normal ang buhay ko. Napatay ko ang mga magulang ko – este PEKENG mga magulang, nakatira ako sa isang bahay sa loob ng isang gubat na ginawa ko lang at palagi akong nasesesante sa trabaho dahil lagi akong nakakagawa ng eksena na hindi naman dapat mangyari.

Hiniling ko na sana panaginip lang ang lahat ng ito at hanggang ngayon iniisip ko pa rin na hindi pa ako nagigising sa katotohanan pero kahit ilang sampal ko na sa mukha ko at kurot sa mga braso ko, talagang totoo nga ito.

Sinusubukan kong isipin na biyaya ang magkaroon ng ganitong kapangyarihan dahil dito, buhay pa rin ako ngayon pero anong mararamdaman mo pag mag-isa ka lang na may ganito sa mundong ginagalawan mo?

Dumiretso ako sa locker ko para kunin ang mga notebook ko pero pagkarating ko palang, may mga tumambad na nakapatong-patong na mga libro kaya nagtaka ako. May nakita akong papel sa ibabaw ng libro at may nakasulat.

Pakidala nito sa library.

Napabuntong hininga na lang ako. Kahit wala siya rito, alam ko kung sino ang nang-uutos nito – ang president ng classroom namin na gusto lang akong pahirapan.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon