Chapter 10
JETHRO
Nakatayo lang ako rito at nakatingin sa transparent na pinto pagkatapos ang pangyayaring yun.
"Hindi ko alam kung tatawagin ko bang regalo yun pero sa totoo lang, ikaw ang unang taong nagbigay sa akin ng regalo kahit na wala namang importanteng okasyon, kaya sobrang saya ko talaga..."
"Buti naman nagustuhan mo," bulong ko sa kawalan.
Tug! "Sh*t. Ang sakit!" napapisil ako agad sa aking dibdib dahil sa sakit. Ito na naman tayo. Walang duda na mangyayari nga ito. Napapahingal pa ako habang nakatingin sa sahig.
Bakit mas lalong masakit ngayon? Ginawa ko lang naman yun para malaman kung siya na ba talaga ang hinahanap ko pero kanina...
...sa tingin ko hindi ko yun ginawa dahil doon. Kusa ko siyang ginawa.
Tug! Tug! SH*T. Mas lalo siyang sumasakit. Napaluhod ako ng di oras. Hindi ko na kaya. Ang sakit na talaga!
"So it's already happening..."
Nagulat ako sa nagsalita kaya napaangat ako ng ulo at tinignan kung sino. "Dad," bulong ko.
Dumaan ang ilang minuto na nagtitigan lang kami sa isa't isa pero kinalma ko din agad ang sarili ko kahit masakit ang dibdib ko para hindi niya mahalata. Tumayo ako kahit medyo nanghihina pa ang katawan ko.
"What are you doing here?" malamig kong tanong sa kanya.
"Just pass by to check something," sagot niya habang nakatingin lang siya sa akin pabalik.
Hindi na ako umimik. "So any idea why that's happening to you?" tanong niya sa akin.
Tinalikuran ko siya at walang balak na sagutin ang tanong niya.
Bigla siyang naglabas ng buntong hininga. "I told you she's the one—"
"No she isn't," pagputol ko sa sinabi niya. "This... this is just a normal chest ache," at kasabay nun ay hinawakan ko ang dibdib ko.
"Really? Normal chestache huh?" seryoso niyang mga tanong. "Is a chest ache normal for a person to experience?"
Napayuko na lang ako ng ulo sa sinabi niya at hindi umimik.
"You can't fool me Jethro. What are you feeling right now?" Hindi pa rin ako umimik at nanatiling nakayuko. "Warm isn't it?"
"It's just the temperature," tutol ko. "None other than that," tumalikod ako sa kanya para kunin ang gamit ko.
Naglabas siya muli ng buntong hininga. "Come on Jethro, why are you opposing? Isn't it this is what you want?"
Hindi ako umimik at binuhat na lang ang case ng instrumento ko.
"Besides we have a lot of proofs already that she's the one we're looking for. So why won't you believe—"
"No," madiin kong sagot. "I don't want to. I don't want to believe that she can melt this frozen heart."
Hindi siya nakapagsalita. "All I know right now is that I'm contented of just talking to her. I'm satisfied with what we have now because I know..." I paused at lumingon sa kanya.
"...once she will know about this, eventually, she will start to avoid me," seryoso kong saad sa kanya. "I don't know why but thinking about that, makes it more painful than what I am feeling right now," pagtatapos ko ng bahagyang humina ang boses ko sapat na marinig niya.
Hindi pa rin siya umimik. "I know she's my only hope but I don't want to hope anymore. I think I'm satisfied right now so please" malamig kong sabi at hinarap siya.
BINABASA MO ANG
My Nation (Completed)
RomanceShe's just a teenager girl who wants to have a normal life pero mukhang pati siya mismo hindi siya normal. She thought life would be 'okay' kahit meron siyang kapanyarihan but living in her world, alam niyang hindi nababagay ang isang tulad niya. He...