Water Challenge

95 10 5
                                    

Chapter 21

Kinabukasan, Prince Eaux cleared his throat at kinuha ang mike. "Good morning to everyone and welcome to this year's Eullenuum Nation Tradition!"

Nagpalakpakan ang lahat habang ang iba ay naghiyawan at napatingin na lang ako sa sobrang laki ng oval at nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko sa kaba kaya napahawak ako sa dibdib ko.

Biglang may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako para tignan kung sino. "Yani okay ka lang?" tanong ni Femme sa akin.

"Ah oo. Uhm medyo kinakabahan lang," sagot ko naman.

"Hayaan mo Yani. Kaya natin ito," ngiti niya sa akin.

Napangiti naman ako pabalik.

"Without further ado, let the TOURNAMENT BEGIN!!"

Nagtipun-tipon ang lahat ng miyembro ng bawat cabin na sasali sa bawat challenge. Gumawa ng linya ang bawat grupo at sa amin, nasa unahan ako ng linya.

"Before we start, there are certain rules and regulations in each challenge but we formulated three main rules for the whole event..." sabi ni Prince Eaux.

"First, there are no weapons or gadgets that you will bring with you in the challenges until the facilitator had told you so. Second, you're not allowed to substitute a player. If he or she is the player on the first challenge, he or she will also be the player of the second challenge. Lastly, no one should be cheating and violating a single rule that the facilitator had said. Anyone who is caught doing it, will be disqualified for the whole challenge. Are we clear?" tanong niya.

"YES!" sagot namin lahat.

"Okay. So for our first challenge for today is the Water Challenge and will be facilitated by yours truly," sabi ni Prince Eaux.

"For the instructions, it will be very exciting. The field is full of geysers and we all know what are geysers, right? Hot steam comes out anywhere of the field. All you need to do is to avoid these geysers because of course, you don't want to be burned and even though it is hot, it's still water so fire people don't have the advantage. So choose your players wisely."

May naka-assign na mga lugar for each groups at lahat ito ay nasa ilalim ng mga bleachers. Pumunta na kami sa "base" namin at nakitang nakatingin sa field si Hera.

Bigla-bigla na lang may mga lumalabas na mga kumukulong tubig galing sa ilalim ng lupa at kita ang pag-aalala sa mukha niya dahil malaki ang disadvantage niya bilang metal girl. Pero hindi naman siya nagreklamo nung nilagay namin siya sa challenge na ito. Alam niya naman sa sarili niya na isa siyang gymnast at naniniwala ako na kaya niya yan.

Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya kaya napalingon siya sa akin. "Okay lang yan. Kakayanin mo yan. Ikaw pa," sabi ko sa kanya at ngumiti.

Ngumiti siya pabalik pero agad ding bumalik ang pag-alala sa kanyang mukha. "Pero paano pag natalo ako?"

"Hera, huwag mong isipin yan" sabi ko agad. "Manalo ka o matalo importante safe ka at nag-enjoy ka sa challenge na ito, okay?"

Ngayon, ngumiti na siya ng masaya sa akin. "Okay po"

"Time's up. The chosen players, please go to your places while the rest of your teams go to their assigned bleachers."

Pumunta kami agad sa bleachers kung saan kami dapat habang pumosisyon na ang mga manlalaro sa starting line.

"WHOOH HERA! KAYA MO YAN," sigaw ni Femme.

"Femme, hindi pa nagsisimula. Excited?" sabi ni Kyrie.

"Opo excited talaga! Hehe," masayang sagot naman ni Femme.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon