Air Cabin

147 8 1
                                    

Chapter 8

JETHRO

Nasa loob ako ng Main Cabin at nakaupo sa isang sulok habang hawak-hawak ang masakit kong dibdib. Unang beses ko pa lang naramdaman ito. Ang sakit pero ang init. Hindi kaya tama si Dad?

Pumunta ako sa office ni Dad at pagkabukas ko ng pinto, nakita ko siyang nagsusulat. Inangat niya agad ang kanyang ulo at nagulat nang makita ako.

"Jethro," napatigil siya sa ginagawa niya. Hindi ako umimik at tinitigan lamang siya.

"Uhm do you need something?" tanong niya. Sinara ko ang pinto at umupo sa isang couch na medyo malayo sa kanya.

"Okay. So you will just sit there and—"

"Why did you tell her?" singit ko.

Napatahimik siya saglit bago niya ako sinagot. "I didn't tell her anything. I just showed her your room."

"That is what I'm talking about so why?" tanong ko muli.

Napabuntong hininga naman siya. "Is it just me but I think that she can help you," sagot niya.

"Help me with what?" malamig kong tanong.

"You'll see once you get close to her," at ngumiti siya sabay bumalik sa kanyang pagsusulat.

Tumayo ako at nilapitan ang kanyang mesa. Napansin niya ito kaya siya napaangat ng tingin at doon lang ako tumigil at binalikan siya ng sobrang seryosong tingin.

"She can't help me. No one can. From the very start, I know that no one can understand me and even can change me, not even my brothers. I don't want to hope anymore," seryoso kong saad.

Hindi muna siya nakaimik at umiwas ng tingin. "I understand," sabi niya kaya tumalikod na ako at naglakad paalis. Nang nasa pinto na ako...

"You know Jethro, there's nothing wrong if you try..." sabi niya na ikinatigil ko, pero hindi ko siya nilingon.

"Just give this a chance. If again, I'm wrong, then stop trying. BUT I guarantee you, she is the one," taas noo niyang sinabi.

Hindi na ako umimik at tuluyang lumabas ng opisina niya.

Ginawa ko ang sinabi niya para patunayan na mali siya. Akala ko nga sa una na hindi talaga siya ang hinahanap ko pero nang sabihin niya lahat iyon, doon niya pinatunayan ang sarili niya.

Siguro nga siya na ang matagal ko nang hinihintay pero hindi pa tapos ang pagsubok. Hindi pa sapat ang ebidensya na siya na nga. Una pa lang ito. Marami pang darating.

~~~

YANI

Nagpapahinga ako sa kwarto ko ngayon. Nakakapagod yun ah.

Ang galing. Napagod nga ba talaga ako? Kung titignan natin, ang ginawa ko lang ngayong araw ay maglakad at umikot sa Water Cabin tapos bumalik din ako rito. Pero for your information, nakakapagod ang painitin ko ang katawan ko habang tumatakbo ako noh. Sabagay wala naman kasi kayong kapangyarihan na mayroon ako...

...pero nabawasan nang dahil sa kanya.

Nagsimulang uminit ang pisngi ko. KYAAH! Oo na. Sa totoo lang, kinilig talaga ako sa ginawa niya. Eh sino namang hindi eh ang alam mong manhid at walang pakialam sa mundo bigla na lang mag-aabot ng jacket kasi nilalamigan ka. Alam mo yun?!

Sandali nga lang kasi Yani. Ginawa niya lang yun para magbago okay? Nag-iisip ito agad ng kung anu-ano. Ah basta. End of story. At dahil sa wala naman na akong ibang magagawa, muli, nagpalit ako ng pajamas at natulog.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon