Chapter 13
Kinabukasan, pagkabangon ko sa aking kama, tinaas ko ang aking kamay para mag-unat habang nakangiti.
Yes! Na-record ko ang boses niya. Ang galing ko talaga. Ang hirap pala dahil kailangan mong kapalan ang mukha mo para harapin siya at pilitin. Akala ko wala talagang pag-asa pero buti na lang natauhan din siya.
Tinago ko muna sa closet ko ang relo sakaling baka makita niya pa habang suot-suot ko at magtanong pa siya kung ano tapos madulas ako ng di oras.
Ang saya-saya ko ngayon. Nag-ayos ako agad at pagkatapos binuksan ko ang pinto.
"Good Morning Yani!" masayang bati ng isang lalaking naka berde na cap at jacket na nasa harap ko. Nagulat talaga ako sa pagbati niya pero agad din akong ngumiti pabalik.
"Good Morning too... uhm uhh prince..."
"Feesy. My name is Feesy."
"Ah right. Good morning Prince Feesy," ngiti ko.
"Wow, you look happy today," sabi niya.
"Yes I am. So are you."
"Of course. I'm always happy in the morning especially now it's spring, where plants grow and flowers bloom."
"Yeah," simple kong sagot. O di siya na ang optimistic.
"So let's go to the Nature Cabin. You're going to have a lot of fun," alok niya.
"Okay," ngiti ko at sinundan siya.
Pagkarating sa labas ng Main Cabin, "So here we are," sabi ng prinsipe habang nasa harap kami ng isang malawak na kagubatan.
"So, have you heard of Tarzan?" tanong niya bigla.
Nagtaka naman ako. "Who's Tarzan?"
"Oh you don't know him. Well then, you are going to discover who he is," sabay nag-alok siya ng kamay.
Tinignan ko muna ang kamay niya bago ito hinawakan nang biglang hinila niya ako pataas kaya nagulat ako at nagpanic.
"Wait Prince Feesy—" bigla siyang tumalon mula sa sanga kung saan kami galing at binitawan ang kamay ko at dahil sa panic, nawawalan ako ng balanse.
"Waahh!!" sigaw ko.
"Yani, you have the power to control the plants so grab that vine," sabay turo sa baging na nasa harap ko lang.
Alam ko yun pero sa ganitong estado, hindi ako maka-concentrate kaya paano ko makokontrol ang mga baging? Buti na nga lang nakuha ko iyon at bigla itong nag-swing kaya napasigaw na lang ako ulit habang nakapikit ang mata.
Hindi ko namalayan na hawak-hawak na pala ni Prince Feesy ang baging kung saan ako nakakapit kaya tumigil ang pag-galaw nito.
"That was fun wasn't it?" habang inaalayan niya akong makatapak sa sanga.
Fun? You call that fun? Para na akong mamamatay sa panik! Bakit kasi napaka hyper ng prinsipeng ito?! Huhu. Kung sino ka man Tarzan, nagpapasalamat ako na hindi tayo nagkakilala.
Dahil sa trauma, tumalon-talon lang ako sa bawat sanga habang ang hyper na prinsipe naman ay masayang nag-swi-swing sa mga baging.
Bigla na lang tumigil siya sa isang sanga at bumaba mula roon. Tumalon din ako sa sanga na yun at nakita siya sa baba kaya bumaba na rin ako.
"So how was it?" tanong niya sa akin.
"Ah it was fun hehe" pilit kong ngiti.
"Glad you had fun"
BINABASA MO ANG
My Nation (Completed)
RomanceShe's just a teenager girl who wants to have a normal life pero mukhang pati siya mismo hindi siya normal. She thought life would be 'okay' kahit meron siyang kapanyarihan but living in her world, alam niyang hindi nababagay ang isang tulad niya. He...