Ice Cabin

130 6 0
                                    

Chapter 14

Kagigising ko lang at nakaupo na ako sa aking kama. Haggard ng itsura ko ngayon. Hindi ako makatulog ng mabuti dahil lang sa kakaisip ng sinabi ko kahapon.

"I Love You Jethro..."

Nanlaki ang mga mata ko. "KYAAAH!!" sigaw ko at tinakip ng unan ang aking mukha. Nakakainis! Ganito pala feeling pag nagconfess—sandali, NAGCONFESS?! HINDI! HINDI AKO NAGCONFESS!! Pinilit lang ako ni Lacey na sabihin yun! Yun lang yun. End of story!

Pero, grabe kinikilig ako na hindi ko maintindihan.

Eish! Iniling ko ang ulo ko. Tumino-tino ka Yani. Umalis na lang ako sa kama at dumiretso sa CR.

Sandali, pangilang tour ko na ba ito? Nagbilang ako... pito palang eh tapos walo silang prinsipe so isa na lang. Eh sino ang pang walo?

Nag-iisip ako habang nagsisipilyo at nang marealize ko kung sino ang huli at pang walong prinsipe na mag-tou-tour sa akin, nabuga ko agad ang tubig na minumumog ko ng di oras.

Oh My Gash! SIYA ANG PANG WALO! Ibig sabihin lang nito, SIYA ANG TOUR GUIDE KO NGAYON! Naku naman! Wrong timing naman eh.

Pagkatapos kong mag-ayos, napatigil muna ako sa harap ng aking pinto. Siya ba talaga ang tour guide ko ngayon? Pwede bang ibang prinsipe muna? Huhu. Hindi pa ako ready.

Hawak-hawak ko na ang door knob at kita ko ang pagnginginig ng kamay ko. Tanging hiling ko lang ngayon, sana wala pa siya sa labas ng pintuang ito. Huminga ako ng malalim... at nilabas din ito. Okay. Binuksan ko ang pinto habang nakapikit ang mata.

Binuksan ko ang kaliwa kong mata para sumilip. Wala pa siya sa harap ko. Nakahinga ako ng maluwang. Buti naman.

"...ang tagal mo magpalit."

Bahagya akong nagulat. Guni-guni ko lang ba yun? Lumingon ako sa aking kanan. Nakasandal siya sa kanang pader ng pintuan ko. Nanlaki ang aking mga mata sa sobrang gulat.

"Tara na—"

BOOGSH! Sinara ko agad ang pinto ng napakalakas.

SHACKS! Andito na siya! As in, ANDITO NA SIYA!! Akala ko wala pa siya! Bakit hindi ko naramdaman na nandoon siya?! Bakit ang init ng pakiramdam ko?! Dahil ba sa spring naman tapos nakasuot pa ako ng jacket?! Malamang Yani... kinikilig ka.

Nanlaki ang mga mata ko muli at iniling na naman ang ulo ko. Waahh!! Ano bang mga pinag-iisip ko?!

"Yani," tawag niya sa kabila ng pinto habang kumakatok. "Ano bang nangyayari?" malamig niyang tanong.

Hindi ako nakaimik. "Kailangan na nating pumunta sa cabin para matapos na ang tour," dagdag niya.

"Uhm uhh... pwe-pwede bang bukas na lang yung tour?!" nauutal kong saad. Huhu. Hindi pa talaga ako ready.

"Bakit?"

"Hah? Uhm a-ano... ba-basta! Bukas na lang please?!"

Hindi siya umimik.

Biglang tumahimik ang paligid. Ano yun, umalis na siya? Nakumbinse ko ba siya? Binuksan ko ang pinto muli para tignan.

Takte. Andito pa rin siya. Ngayon, nakasandal na siya sa pader na kaharap ko lang habang nakacross arms at nakayuko ang ulo.

"Handa ka na ba?" malamig niyang tanong at inangat ang ulo at diretsong tumingin sa mata ko.

Hindi ako nakaimik sa ginawa niya at natakot dahil sa tingin niya. "May tour ka ngayon, sa ayaw o gusto mo" sobrang seryoso niyang saad.

"Pe-pero ano kasi..."

"Sundan mo ako kung ayaw mo buhatin kita papunta roon."

WHAATT?! "Okay, okay. Ito na. Tara na," panic ko agad sabay naglakad na ako paalis at sumunod siya sa likod ko.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon