Chapter 25
Nakatitig pa rin ako sa aking team na masayang nag-uusap pero puno naman ng lungkot ang mukha ko.
"Bakit Yani? Okay ka lang?" tanong ni Femme sa akin. Nagulat naman ako sabay na ring napatingin sa kanya.
"Huh? Ah uhm ano oo naman. Bakit naman hindi?" sagot ko na medyo nauutal.
"Mukha kasing malungkot ka habang nakatingin sa kanila. May iniisip ka ba?" tanong niya naman.
Tuluyan akong nagulat. Halata ba?
I tried my best to smile. "Ano ka ba Femme baka guni-guni mo lang yun. Okay lang ako noh."
Tinitigan niya ako ng mabuti bago ngumiti. "Okay sige. Sabi mo eh," masaya niyang sabi sabay naglakad siya paalis papunta sa field.
"Sandali lang. Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
Tumigil siya at lumingon sa akin. "Hah? Hindi ba turn ko na para maglaro ng challenge?"
Bahagya akong nagulat. "Ah haha oo nga pala. Good luck Femme," ngiti ko na lang.
"Thank you Yani," ngiti niya sabay alis.
Tinignan ko lang siya while she's skipping her way to the grounds na nakangiti pero agad din itong nawala dahil nag-alala na naman ako.
"Good luck Femme! Galingan mo ah?!" sigaw ni Donna na katabi ko lang at doon lang ako bumalik sa katotohanan.
Tumigil muli si Femme, turned around at sumigaw pabalik. "Oo naman! Gagalingan ko! Promise yan!"
Tinignan ko lang sila at biglang may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako agad at nakita si Flare. "Wala pa ba kayong balak umakyat?" tanong niya sa amin.
"Eto na nga," sabi ni Donna sabay lakad papunta sa stairs.
Pilit akong ngumiti kay Flare. "Tara na."
Pagkaakyat namin, umupo rin kami agad. Pagkakita namin sa grounds, sa gitna nito ay puno ng mga gamit, parang isang kwarto na sobrang gulo.
"Grabe. Nakakapanibago na wala si Femme ngayon" sabi ni Kyrie.
"Oo nga. Sino na ang mag-chee-cheer?" sabi ni Jessy.
"E di ako!" sagot ni Donna.
"Good morning ladies and gentlemen! Welcome in today's Electric Challenge," sabi ni Prince Zoltar.
Nagpalakpakan ang lahat.
"Di ba siya yung famous na scientist dito sa Eullenuum Nation?" tanong ni Kyrie.
"Oo," sagot ko naman. "Paano mo nalaman?"
"Eh kasi lagi ko siyang nakikita na humihingi ng gamot sa drugstore ng Electric Cabin sa Main Cabin. Minsan kasi ako ang nag-de-deliver ng gamot. Punishment ko pag gumawa ako ng eksena sa Nature Cabin," sagot ni Kyrie.
"Ah okay," sabi ko.
"Ganun. Sayang naman. Ang gwapo pa naman" sabi ni Jessy. "Nerd ba siya?"
"Oo nerd siya," sagot ko naman. "Kung kasama mo siya, lagi kang nosebleed," sagot ko.
"Uy close kayo?" tanong ni Jessy sa akin.
"Ah hindi naman. Nakakausap ko lang siya sa Main Cabin."
"Ah. Paano kaya pagmagka-girlfriend siya noh?" sabi ni Jessy. "Pero parang ang labo. Manligaw pa lang, hindi ko ma-imagine."
"Hoy echosera bakit yan agad iniisip mo? Ang landi mo talaga," sabi naman ni Kyrie.
"Ikaw grabe ka rin. Naisip ko lang, landi agad?"
BINABASA MO ANG
My Nation (Completed)
RomanceShe's just a teenager girl who wants to have a normal life pero mukhang pati siya mismo hindi siya normal. She thought life would be 'okay' kahit meron siyang kapanyarihan but living in her world, alam niyang hindi nababagay ang isang tulad niya. He...