Fire Challenge

90 8 0
                                    

Chapter 24

Umakyat ako pabalik sa bleachers at napansin kong hindi sumunod si Callie kaya napatigil ako.

"O Callie, bakit?" tanong ko sa kanya.

"Ako na ang maglalaro," malamig niyang sagot.

"Ay oo nga pala. Sige. Good luck."

Tumango lang siya at pumunta na sa grounds. Umakyat na ako at umupo. Pagkakita sa grounds, wala na ang stage at ang daming shooting board para pang archery na nasa loob ng isang gubat.

"Good morning ladies and gentlemen. Welcome in today's Fire Challenge," sabi ni Prince Fuego. Nagpalakpakan ang lahat habang nagtilian naman ang ibang mga babae.

"Wow hah. Siya na ang hot papa" komento ni Jessy.

"Oo nga eh" sagot naman ni Donna. "Ang daming babaeng humahabol sa kanya dahil sa gwapo niya tapos gentleman na rin pero ang init ata ng ulo. Ang bilis magalit eh."

"Really? Paano mo nasabi?" tanong ni Jessy.

"Minsan kasi sa isang restaurant, naaksidenteng natapunan lang siya ng juice, nagalit na siya at talagang sinisigawan ang waiter na kulang na lang sunugin niya ang waiter na iyon. Buti nga hindi ako yun," sagot naman ni Donna.

"Malamang magagalit yun dahil tinapunan siya ng tubig at isa siyang fire guy at bawal kaming maghawak ng tubig," sabi naman ni Flare.

"Ay okay. So para siyang bad boy na hot papa," komento ni Jessy.

"Sshh. Tama na yang mga kalandian niyo. Nagsisimula na ang laro" sabat ni Kyrie.

"KJ talaga nito," sabi ni Jessy.

"Okay so for the first challenge, we will have archery. To add more spices in the game, you will run while shooting the boards. You must shoot all because if you miss one even though you finished the path, you will be out for the first challenge so you better keep your eyes open because some of the boards are hidden. Also, you must always hit the bull's eye, understood?"

"Yes" imik ng players.

"Okay. Let the challenge BEGIN!"

Nagsitakbuhan lahat ng players, at kabilang na doon si Callie. Nang may nakita siyang board, agad niya itong shinoot at... BULL'S EYE.

"Whooh! Ang galing mo Callie!" sigaw ni Femme.

"Oo nga!" sigaw naman ni Donna.

Wala na akong masabi pa. Bawat board na nadadaanan niya, laging bull's eye, promise! Tapos eto pa. May na-skip kasi siyang board kasi tumalon siya mula sa isang sanga ng puno pero pagka-landing niya, tinira niya ang board sa likod niya ng hindi tumitingin at akalain niyo yun, bull's eye pa! Napatahimik na nga sila Femme at Donna eh. Mukhang hindi niya na kailangan i-cheer.

Natapos ang challenge at ayun, first place si Callie.

"Okay we already have 5 winners for the second challenge. Have a break," sabi ni Prince Fuego and the usual, sinalubong namin siya. Binigyan namin siya ng sobrang lamig na tubig at agad niya naman itong ininom.

"So uhm uhh Callie, ang galing mo," pagpuri ko habang umiinom siya.

Pagkatapos niyang uminom, tinignan niya lang ako ng seryoso.

"Uhm..." napakamot na lang ako ng ulo. Nakakatakot naman ang tingin niya.

"Uy Callie, good luck sa second challenge," sabi naman ni Femme.

Tinignan niya si Femme at tumango lang siya.

May namuong awkward silence sa pagitan namin. Napatahimik ako. Eh kasi naman si Callie ito eh. Sa tingin ko, hindi niya na kailangan pa ng advice.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon