Nature Challenge

100 7 2
                                    

Chapter 27

Nagsimula na silang umakyat habang naiwan naman si Flare na inaayos ang kanyang sapatos para maghanda sa Nature Challenge. Nilapitan siya ni Yani.

"Good luck Flare," at nginitian niya siya. Tinignan siya pabalik ni Flare, tumango at pinatuloy ang pag-aayos sa sapatos.

"Sige. Akyat na ako," paalam ni Yani at nagsimula siyang maglakad paalis.

"Yani," tawag ni Flare kaya napatigil si Yani at lumingon sa kanya.

"Bakit—"

"Huwag mong ipilit sarili mo na ngumiti kung hindi yun ang nararamdaman mo," singit ni Flare. "Sa totoo lang, nakakairita na makita kang ganyan."

Napatahimik si Yani habang tumayo naman si Flare at nagsimulang maglakad pero agad din siyang napatigil.

"May mga kaibigan ka na nirerespeto ka bilang leader nila at bilang isang leader, ikaw ang nagdadala ng grupo kaya kung ano mang dinadala mo baka dinadala na rin nila. Maaari ngang nagawa nilang makipagbiruan sa harap mo pero hindi sila bulag para makita kang ganyan," seryosong sabi ni Flare sabay tuluyan siyang naglakad paalis papunta sa grounds.

Naiwan si Yani sa kanyang lugar na tulala at hindi alam ang gagawin. Napansin siya ni Hera kaya nilapitan niya siya.

"Uhm Yani, halika na po sa taas—"

Napatigil siya nang makita si Yani na umiiyak and it left her surprised and don't know what to do.

"Ang hirap palang magtago ng iyong nararamdaman. Nakakainis," tinignan niya si Hera. "Anong gagawin ko Hera?"

Hindi nakaimik si Hera and just looked at her with sad eyes.

Malapit na matapos ang Tradition at pagkatapos nito, alam ni Yani na aalis siya sa nasyong ito. Iiwanan niya ang team niya nang hindi man lang nila alam kung bakit. Gusto niya itong sabihin sa kanila pero baka masaktan lang sila.

"Nalilito na ako—" napatigil si Yani nang abutan siya ng panyo ni Hera kaya napatingin siya kay Hera.

"Uhm sorry po kung ito lang ang maibibigay ko," sabi ni Hera. "Gusto po kitang yakapin para kahit sana mapawi ko po ang kalungkutan na nararamdaman mo pero masisira po kasi ako kung mahawakan ko ang mga luha mo. Sana sapat na po ito."

Tinignan ni Yani ang handkerchief. "Pero bigay yan sa iyo ni Prince Eaux," humihikbi niyang sabi.

Ngumiti naman si Hera. "Okay lang po. Pangpunas lang naman po ng luha niyo para mabawasan po ang kalungkutan niyo."

Yani looked at Hera with tears on her eyes, got the handkerchief at pinunasan ang kanyang luha.

"Salamat Hera."

"Walang anuman po," ngiting sagot ni Hera.

Umakyat na si Hera pataas.

"Hera girl dali. Nagsisimula na ang laro," excited na sabi ni Jessy at napansin niya na wala siyang kasama. "O, asan si Yani?"

Ngumiti naman si Hera sa kanila. "Nasa baba po"

"Bakit ayaw niyang tumaas?" tanong ni Jessy.

"Sabi niya po gusto niya po munang mapag-isa," sagot ni Hera. Nagtinginan naman sila sa isa't isa pagkatapos sabihin yun ni Hera.

"Good afternoon everyone! Welcome to this year's Nature Challenge!" sigaw na bati ni Feesy. "So are we all doing good?"

"Yes" mahinang saad ng audience.

"I can't hear you!"

"YES WE ARE!" imik nila ng malakas.

"That's nice to hear. Well then, let's move on to our first challenge!"

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon