The Past

123 7 0
                                    

Chapter 15

Binuhat nila si Jethro sa kwarto niya. Sina Prince Zoltar, Prince Aes at Prince Feesy lang ang nasa loob ng kwarto habang kami na natira ay naiwan sa opisina niya, kasama si Callie. Nakaupo kaming lahat pwera kay Prince Fuego na nakasandal sa yelong pader na naka-cross arms. Ako, nakatingin ako sa aking mga kamay na nakalapag sa lap ko na puno ng pag-aalala ang mukha. Ano bang nangyayari kay Jethro?

"Malamang nagtataka ka na kung bakit sila nandito kaya okay lang kung magtanong ka," sabi ni Callie na naging dahilan para mabasag din ang katahimikan.

Doon lang ako bumalik sa katotohanan sabay namang napatingin ako sa kanya. Ako ba kausap niya? Malamang. Ako lang naman nakakaintindi nun sa lahat ng nandito sa opisina ni Jethro.

"Uhm ano inaalala ko kasi si Jethro," sagot ko na puno ng pag-aalala.

Naglabas siya ng buntong hininga. "Sa totoo lang wala na akong ibang maisip na sabihin sa iyo maliban sa huwag kang mag-alala. Magiging okay din ang lahat," paninigurado ni Callie.

"Pasensya na pero hindi nakatulong ang sinabi mo," diretso kong sagot.

"Alam ko," sagot niya naman. "Pagkatapos mo nga namang nakita siyang nahimatay sa mismong harapan mo sino naman ang hindi mag-aalala."

"Teka paano—"

"Uhm sorry to disturb you two..." singit ni Prince Fuego. "...but can you speak in English? We can't understand a thing here and we might help what you're talking about."

"Oh. Uhm sor—" mag-so-sorry na sana ako ng biglang,

"You don't need to know because this conversation is only for us," singit naman ni Callie. Huwaw nanagot. Kilala niya ba ang kausap niya?

"You've got the nerve ice lady," nakakunot-noong sagot ni Prince Fuego.

"What did I do? I just told the truth," sagot naman ni Callie. So totoo palang halos lahat ng mga ice people ay manhid. Sinubukan kong sumingit para tumigil na sila.

"Uhm you see—"

"What the hell" sabat naman ni Prince Fuego. "You just talked back to me and you're just an assistant of Jethro while I'm a prince so have respect."

"Yes I know, you're a prince," sagot ni Callie. "But you're the prince of the Fire Cabin and if you can see and feel it, you're in the Ice Cabin and fun fact, you're not even allowed here so you're just a visitor and you don't even have the authority of being a prince here. Prince Jethro is our only prince."

He paused bago makapagsalita. "Even so—"

"And question..." singit agad ni Callie. "...when did I talked back to you? Yani and I are having a conversation and then you suddenly butt in. So whose the one who really talked back?"

Hindi nakaimik si Prince Fuego sabay napayuko na rin ng ulo dahil sa tingin ko nahiya sa sinabi niya. O di si Callie na talaga. Nagawa niyang ipahiya ang isang prinsipe pero grabe mga pre. Bigat ng hangin dito.

Mayamaya, inangat din ni Prince Fuego ang kanyang ulo. Uh-oh. Nakakatakot na ang mukha niya. Ngumisi siya bigla kay Callie. Sandali, parang nakita ko na yang ngiti na yan.

"You are one heck of a girl. So Callie eh. Just so you know..." mas lumaki ang ngisi niya. "...you're interesting."

Ayun! Yung malanding side niya! Napatahimik si Callie at napatulala sa ginawa niya. Yan kasi Callie. Patulin mo na ang lahat ng prinsipe huwag lang ang prinsipeng ito.

SPLASH!

Nagulat kaming lahat sa sumunod na nangyari sabay napatingin kami kay Prince Eaux.

"Fuego, know your limit. We are in a different cabin and we are not here to make a scene," puno ng awtoridad na sabi ni Prince Eaux.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon