Finale

102 7 2
                                    

Chapter 29

Hindi makagalaw si Yani sa kanyang lugar dahil kitang-kita ng mga mata niya na nasa harap niya ang taong namatay sa kanyang mga bisig, si King Gabi. Alam niya sa sarili niya na namayapa na siya pero bakit siya andito? Nagsimula siyang manginig sa takot.

"Bu-but you're..." nanginginig na sabi ni Yani. Binigyan lang ni King Gabi si Yani ng ngiti at nilampasan siya papunta sa mike stand. Kita sa itsura ng lahat ang gulat ng makita nila siya sa harapan nila. Ang iba ay nagsimula namang magbulungan sa isa't isa.

"Hello my fellow citizens of Eullenuum Nation," sabi niya at nginitian pa sila. Siguro sa mga ngiti niya na yun, parang napapaniwala si Yani na siya nga yun pero alam niyang may mali. Napatahimik lang sila at nagtinginan.

"What's wrong my dears? Aren't you going to welcome your King?" nag-iimbita niyang sabi sabay tinignan pa ang mga prinsipe at nginisian sila. Kita ang gulat sa kanilang mga mukha.

"This is impossible! Our father is dead! The King is dead! Who are you, an imposter?!" sigaw ni Fuego.

"Oh my dear Fuego, you haven't changed at all," malambing niyang sabi na ikinatahimik ni Fuego.

"What are you doing? Everyone knows that the King is already dead," puno ng awtoridad na sabi ni Eaux.

"Aren't you happy that I'm alive once again, my dear sons?"

Napatahimik muli sila. "You boys didn't even invite me in this event so I'll give you a chance to welcome me."

Napatingin lang sila sa isa't isa at nagtataka sa mga sinasabi niya.

"Nothing? Well then..." ngumisi siya. "I'll welcome myself."

Biglang nawalan ng kuryente ang buong oval kaya nagulat ang lahat. Ang tanging lumiliwanag lamang ay ang galing sa mga kamay ni 'King Gabi' na kinokontrol ang kuryente sa kanyang kamay at tinapon ito sa lahat ng lamp posts na mayroon kaya nagsihulagan ang mga ito that made everyone panic. Agad namang kinontrol ni Aes lahat ng metal posts para walang mahulagan at masaktan.

"Everyone evacuate this place immediately! Make sure everyone will be able to get out!" sigaw ni Eaux dahilan para lahat ay magpanik at magtakbuhan sa mga exits.

Pinanuod lamang sila ni Yani at hindi makagalaw sa kanyang lugar. Parang sasabihin nating 'de javu' ang nangyayari ngayon dahil pamilyar ang scene na ito para kay Yani. Naalala niya kasi ang eksena sa kanyang paaralan... ang mga nagpapanik na tao, mga bagay na dapat hindi naman dapat mangyari... tulad na lang na makitang buhay ang pinakamamahal nilang hari sa kanyang harapan.

Pero agad niya ring iniling ang kanyang ulo. Mamaya na yang de javu na yan. Sa ngayon kailangan niyang malaman kung sino nga talaga ang taong nasa harap niya.

"Who are you?" tanong ni Yani sa kanya.

Iniglapan lang ni 'King Gabi' si Yani habang nakangisi pa rin at binalik ang tingin sa mga nagpapanik na mga tao.

"What are you doing here?"

"Dearest Yani," sabay humarap siya kanya. "Don't you recognize me? I'm King Gabi and I'm the King here."

"He's dead so you're not him," seryoso niyang sagot.

Pagkasabi niya nun, he evilly chuckled. "What if he isn't?"

Natakot si Yani sa ginawa niya pero hindi siya nagpadala rito dahil iniisip niya na baka kung anong gawin niya pa sa kanya. "I know he's dead. I saw it with my own eyes," she confidently answered him.

Hindi siya umimik and smirked at her. "Why would I still put this disguise then if it's already obvious?" sabi niya sabay unti-unting nawawalan ng balat ang kanyang buong katawan.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon