The Reason

189 11 2
                                    

Chapter 5

Nandito ako sa loob ng kwarto ko, nakahiga sa kama at nakapatong ang braso sa noo habang iniisip ang nangyari kanina.

"Look whatever Jethro have done to you, please forget it," sabi ni water prince sa akin.

Forget it? Nakakatrauma kaya yung nangyari kanina. Ang hirap naman ng sinasabi niya. Eh kung siya kaya nasa sitwasyon ko, makakalimutan niya kaya? Hindi na lang ako umimik at nanatili pa ring nakaupo dahil hindi matanggal-tanggal ang takot sa sistema ko.

"He's not thinking straight back then."

Nakuha niya ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. "What do you mean?" tanong ko.

"I-I mean it's...it's something...uhm just...it's a long story," nautal niyang sagot.

"Something hidden?" pabulong kong sabi sapat para marinig niya.

"Yes. More like a secret that only a few must know."

Tumango na lang ako as a reply. Mukhang malalim na sikreto ito.

"I know it's traumatizing to witness that but please forget it. Fuego told him already that you were his victim so Jethro will do something about it so act normal in front of him," sabi niya.

Napabuntong hininga ako para lang ilabas ang takot. "I'll try," at ngumiti ako sa kanya pero medyo pilit. Hindi ako nakakasiguro eh pero sana nga makalimutan ko ang tungkol doon.

"That's good," sabay tumayo siya at paalis na sana nang tumigil siya sa pinto. "Oh and by the way, please stop calling him a coldhearted guy. He hates it," at tuluyan siyang lumabas ng kwarto ko.

Coldhearted? Manhid? Ayaw niyang tawagin siya ng ganun? Ang weirdo niya talaga. Hindi niya ba alam na kung paano siya magsalita at ang mga kilos niya ay napakamanhid? O baka naman hindi niya alam ang ibig sabihin ng manhid?

Heh! Ang gulo. Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari sa nasyong ito.

Knock, knock. Oh sino na naman ito?

"Uhm come in?" patanong kong sagot.

Unti-unting bumukas ang pinto. "Am I disturbing?" sabi ni... uhh earth guy, earth prince... wait... basta letter 'E' din yun eh. Bakit halos lahat ng pangalan nila nagsisimula sa E? Saka bakit siya nandito?

"No. Uhm is there something wrong?" tanong ko.

"Nothing. I'll just deliver this to you," at binuksan niya ang pinto na may malaking kahon sa harap niya.

"Oh..." Okay. Ano yan? Kararating ko lang tapos may delivery agad? Huwaw.

"Uhm sure," tumayo ako at lumapit sa kanya. "Let me help you."

"No. It's okay. I can do this," at hinila niya ang cart papasok.

Pagkapasok niya, "So what's in there?" tanong ko.

"Clothes for all seasons," sagot niya. "Spring, summer, autumn, winter and I think 4 pairs for each season. There are also for different occasions such as parties, birthdays and other more. Also, you have pajamas too and I made some of them thicker because every winter, it's really cold here. There are also some pairs of shoes designed perfectly for your clothes."

Oo nga pala noh. Sabi ni uhm... ni white haired dude... Oo na. Sabi ni Jethro na magdadala raw siya ng damit at dahil doon, naalala ko na ang pangalan niya.

Thank you so much, Prince Edmondo. So unbelievable na isang guy ang gagawa nito. Ang mas malala, isa pa siyang prinsipe. Saan ka nakakita ng prinsipeng nagtatahi?! Ni kwento nga, wala pa akong nababasa na ganong character. Unless nga, bakla siya. Joke din yun.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon